LABING-ISA

2177 Words
KUMATOK si Sasha sa pinto ng kuwarto ni Daniel. She slept on his unit. Wala naman kasi talaga siyang mapuntahan na iba. Ala-siyete na nang umaga, araw ng biyernes. Nagluto na rin siya para sa kanila. Kagabi ay puro text at tawag ang ina pero hindi niya sinagot ang tawag nito. Nag-reply lang siya kung saan siya matutulog kahit nasabi naman niya bago umalis sa kanila. Tinawagan rin niya si Vivian na kapag nagtanong ito sa kanya ay sabihin na doon siya natulog sa mga ito. Sinabi na rin niya kung ano ang nangyari at kung saan siya natulog. Wala naman itong sinabi pero rinig sa boses nito na inaasar siya.  Hindi sila natulog sa isang kuwarto. Madumi lang talaga ang isip ni Vivian minsan. She and Daniel are friends. Gusto siya ni Daniel at walang problema iyon sa kanya. Guys actually like all girls as if they all loved them, right? Nang walang sumagot sa kanya ay pinihit niya ang seradura. Male-late na kasi sila kung hindi pa ito kakain. Bukas ang pinto kaya sumilip siya.  "Sasha?" Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses nito. Nang nilingon niya si Daniel ay napasinghap siya. Mabilis na bumalik ang tingin siya sa harap. Half-naked ito at halatang bagong ligo.  Pero bakit hindi sa kuwarto nito ito naligo? Bakit nakabalandera ang abs niya sa paningin ko? "Sasha?" Tila nanigas siya nang maramdaman ito sa likod niya. Nakatapis lang ng puting tuwalya ang pang-ibaba nito. Isang maling galaw ay baka malaglag iyon. Tinamaan ng magaling! Daig pa yata niya ang kamatis sa kapulahan ng mukha ngayon.  Bahagyang lumayo siya nang malanghap ang amoy nito. His scent has musky of freshness.  Umiwas siya agad ng tingin. "What's wrong? Are you sick?" nag-aalalang puna nito sa kanya.                                                                                                                                  "Kakain na tayo."  Sinarado ni Sasha ang mga mata para hindi magkasala. She was not used to see a naked man early in the morning. Kahit nakapikit ay naglakad siya. Napa-buwesit na lang siya nang tumama ang tuhod niya sa may sofa. Medyo malakas ang pagkakabunggo niya kaya masakit. Nausog din ang upuan.  Narinig niya ang malakas na tawa ni Daniel sa likod niya. Sa asar ay nilingon niya ito.  He looked comical.  "Magbihis ka nga! Buwesit na 'to." She spat. Bumulaga na naman tuloy sa paningin niya ang pandesal—este ang mga abs nito. He has broad shoulder and sculpted body. Mayroon naman talagang ipagmamalaki ito pero nakakailang din.  "You looked tempted with me." He sexily said.  "Ay buwang ka! Hindi naman nakakalibog ang katawan mo." She rant. Namilog ang mga mata niya nang makitang natatanggal na ang buhol ng tuwalya sa baywang nito. Mabilis pa sa alas-kuwatro na tinakpan niya ang mga mata at napatili. "Daniel, what the heck!" Nanlaki lalo ang mga mata niya nang takpan ni Daniel ang bibig niya. Malay ba naman niyang may suot na boxer short sa loob niyon? Akala niya ay makakakita na siya ng dapat ay hindi niya makita. Ayaw niya madungisan ng kalaswaan ang mga birhen na mata niya. Halos mamura na ni Sasha ang sarili sa sobrang lapit ng topless na binata sa kanya. Nang tinanggal nito ang kamay sa bibig niya ay nagkatinginan sila.  "My room is soundproof but damn you scream so loud." She blinked. May nararamdaman siya sa gilid niya.  Umakyat yata lahat ng dugo sa mukha niya. Mabilis na pumalag siya pero lalong humigpit ang kapit nito sa kanya.  "Daniel!" Her voice stuck in her mouth.  She felt him. He is hard as rock.  He laughed. "Stop screaming, Sasha." Paano na hindi siya sisigaw? Ang lapit nito at ramdam niya iyong sa pagitan ng mga hita nito. Inapakan niya ang paa nito kaya napabitaw ito sa kanya. "Magbihis ka nga!"  Tila wala itong pakialam kung naeeskandalo siya.  "What? This is my unit."  Lumapit ito sa kanya hanggang sa mapaatras siya sa dingding. Halos maipit siya sa katawan at mga bisig nito. Natatakot siya na baka naririnig nito pati ang pintig ng puso niya. "I can do whatever I want to do in you." He lick his lower lips and stared at her. "Where did you want to do it? Sa sofa, sa kusina, sa kuwarto o ngayon dito sa bisig ko?"  Napalunok siya. His eyes were dark and there a shade of desire? Hindi kaya totohanin nito? Kinakabahan siya pero nakakaramdam din siya ng pagkasabik. Kinastigo niya ang sarili sa kahibangan na naisip.  "You know I like you, Sasha." He said it, he sounds sincere. Napakurap siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Until a smirk curved on his lips. Hindi nga siya nagkakamali dahil pinagti-tripan siya ng lalaki.  "P-Pakawalan mo ko!" She hissed.  "Paano kung ayoko?" Mas nilapit nito ang mukha sa kanya. Umiwas siya ng tingin. "P-Puwede ba na magbihis ka muna. Hindi ka ba nahihiya sa akin na halos hubad sa harap ko." "That's my normal thing, sunshine," Pilyong sabi ni Daniel na nagpapula lalo sa mukha niya. "You felt me too, right? You can see my body for free."  "You pervert!"  "Why? You looked flushed. Gusto mo mag-make love tayo?"  Hindi na niya kinakaya ang ginagawa nito. "Daniel! Hindi nakakatuwa!" Singhal niya. "You can see me all naked. What you think? Hindi ako madamot, Sash."  "Eww! Magbihis ka nga do'n o hindi sasapakin kita!" Gustong-gusto nito ang pang-aasar sa kanya. Pinapatulan naman kasi niya. "Stop shouting at me. Nabibingi na ko." Ganting-sabi na may halong nakakalokong tawa.  "Kaya lumayo ka sa akin. Ang lapit-lapit mo."  Tumawa lang muli ito at pinisil ang baba niya. "I'm just teasing you. Ang lakas mo makaasar pero pikon ka naman pala."  Tinampal niya ang kamay nito. "Hindi nakakatuwa!"  Her heart beating erratically. Hindi maganda ang biro nito.  "Okay, fine. Relax." Itinaas nito ang mga kamay sa kanya at tumalikod na patungo sa kuwarto nito. Kumuha ito ng T-shirt at walang kaabog-abog na nagbihis sa harap niya.  Tumalikod siya.  "Are you okay?" Nag-iba na ang timbre ng boses nito. Alam niya kung ano ang tinutuloy nito. Kailangan niya makausap ang ina para maging maayos siya. Hindi siya sanay na may tampo dito nang matagal. Siguro hihingi din siya ng sorry. Maybe she went overboard too.  "Kasalanan ko rin naman. Sumobra ako. Hindi ko rin kasi alam ang pinagdaanan ng mama ko. She lost my brother and our Dad. Mahirap naman talaga ang mag-isa."  Na-realize lang din niya na takot ang ina mag-isa dahil sa mga nangyari. Hindi madali mawalan ng mahal sa buhay. Isang tao na sana ay katuwang mo sa buhay. Isang anak na mahal na mahal mo.  There is no perfect mother as there are no perfect daughter too.  "You're a good daughter, Sasha." Nilingon niya ito.  Ngumiti si Daniel sa kanya. May kung ano na humalukay sa loob ng sikmura niya sa totoong ngiti nito. "I like it about you." She realized that Daniel always pulling her up every time she was about to fall. She wanted him to stay. To be constant person on her life.  Sana hindi magbago iyon. xxx NAKASIMANGOT na tinignan ni Sasha si Daniel habang kumakain sila. Hindi pa rin niya makalimutan ang ginawa nitong pang-aasar sa kanya. Siguro nga nitong nakaraan ay madalas niya asarin ito pero hindi naman umaabot sa punto na inaakit niya ito. Naningkit ang mga mata niya nang maisip na may motibo ito. Guys never befriending girls without any reason. Marahil kaya ito lumapit sa kanya dahil may gusto ito sa kanya. Pero iniisip niya kung ano ang nagustuhan nito sa kanya. She was quite simple and not that attractive at all on her own opinion. Nakita na niya ang mga babaeng nakapalibot sa lalaki. Hindi hamak na mas ang mga iyon kaysa sa kanya. Ni hindi nga siya marunong magkilay.   "What?" nag-angat ito nang tingin habang sumusubo. Nag-prito lang naman siya ng itlog at longganisa na nakita niya sa ref nito.  "Umamin ka nga sa akin, Dan? May gusto ka ba talaga sa akin?"  Tumitig ito sa kanya. "Bakit ayaw mo?"  Inirapan niya ito. Kung kasama ito sa kalokohan niya kanina ay babatukan niya ito. "Hindi ako naniniwala sa'yo. Medyo sikat ka sa mga babae at mukhang hindi ako ang tipo mo."  "Gusto mo mag-live in na tayo?"  Nanlaki ang mga mata niya. "Okay ka lang? Live-in? Hindi naman tayong dalawa kaya." Binaba nito ang mga kubyertos at maiging tinitigan siya. "But we are staying under the same roof now. Tayo na, gusto mo?" She blinked her eyes on awe. Seryoso ba ito sa mga pinagsasabi nito? Hindi siya baliw para patulan ang mga kalokohan nito.  "Saglit lang ako dito. Siguro uuwe na rin ako bukas o sa makalawa." Sagot niya.  Bumalik na siya sa pagkain. Hindi niya gusto ang takbo ng usapan nila. Pero kasalanan naman niya dahil siya ang nauna mag-open. Gusto niya kastiguhin ang sarili.  "By the way, you look better today." Komento nito.  Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi.  Kinusot niya ang dulo ng damit sa pagkailang. Hiniram muna niya ang damit nito dahil wala siyang nadala na kahit ano. Hanggang sa may hita niya ang haba ng damit. Ni-laundry muna niya ang uniform at bumili na lang siya sa convenience store ng disposable panty. Suot niya ang boxer nito na parang short na niya. Hindi naman daw sinusuot ni Daniel ang pinahiram nito kaya ayos lang. "Hindi mo ko madadala sa mga ganyan mo. I know my worth as a woman. Ayoko nga magaya sa mga naging babae mo. Iba ko sa kanila." He shrugged his shoulder. "I know."  Maisip lang niya ang mga nakita noong una niyang makilala ito. It still gives him shiver as she remembered that unlucky day of her life. "I know you will never fall for me."  She bit her lips. She was not sure of that. Aaminin niya na minsan ay may kakaiba siyang nararamdaman sa ginagawa ni Daniel. Siguro ay magaling lang talaga siya magtago. Ayaw kasi niya mabilang sa naging babae nito. They are willing to give him everything including their body to please him. Hindi naman niya itatangi na magandang lalaki si Daniel. Pero hindi sapat para maging gaga siya. Alam niya kung paano ito pakitunguhan.  A small smile curved on his lips. "But we will see."  Kinabahan siya sa huling sinabi nito. Daniel was soft to her. Kumbaga, pakiramdam niya may special treatment o baka siya lang nag-iisip niyon.  Hindi nagtagal ay tumahimik na rin sila at kumain. Nang mauna si Daniel ay nagpaalam itong babalik sa kuwarto nito. Siya na ang nagkusa na naghugas nang pinagkainan nila. Habang naghuhugas siya ay tumunog ang doorbell. Ilang beses na tumunog ang doorbell kaya minabuti na siya na lang ang magbukas. Mukhang natulog yata si Daniel sa kuwarto nito.  Nagpunas siya ng mga kamay at mabilis na tinungo ang pinto. Hindi na niya sinilip kung sino ang bisita at binuksan iyon. She saw a man that maybe on their age. He has neat haircut and angelic looked. Saglit na natigilan siya dahil guwapo ang lalaki.  "Hi, is Daniel here?" Dumaan ang pagtataka sa mukha nito at pinasadahan siya ng tingin.  Mabilis na nagtago siya sa likod ng pinto. "Uhm...oo...anong kailangan mo?"  He flashed his bright smile. Napakurap siya dahil mas naging mabait ang itsura nito. "Nash Kerkie Hernandez. You can call me Kerk. Kaibigan ako ni Daniel."  The name sounds familiar to her. Hindi lang niya maalala kung saan niya narinig ang pangalan nito. Medyo niluwagan niya ang bukas ng pinto at hinayaan na ito pumasok.  "Gusto mo ba ng kape? Juice? Tubig?" "I'm good."  Tumingin ito ulit sa kanya nang matagal kaya medyo nailang siya.  "Nash," Hindi niya napansin na lumabas na pala muna sa kuwarto si Daniel. He was looking intently at Kerk. "What kind of help you need?"  "Kailangan ko nang tulong para sa dinner date namin ni Sab mamaya." Bumalik ang tingin nito sa kanya. "That is... if you are not busy." Tuloy-tuloy si Daniel sa puwesto niya. Huminto ito sa harap niya at mabilis na hinawakan ang braso niya. Walang pangundangan na hinatak siya at pumasok sa guest room ng unit nito. Mabilis na sinarado nito ang pinto nang makapasok na silang dalawa.  "Bakit?" she asked cluelessly.   "What were you thinking? Bakit ka nagbukas ng pinto na ganyan ang itsura mo?" kulang na lang ay sigawan siya sa mukha nito.  "Hindi naman ako nakahubad." Katwiran niya.  Lalong nainis yata ito sa sagot niya. Kumalat ang pamumula sa mukha nito. "For me you are almost naked, Sasha. Kahit sinong makakita sa'yo  sa ganyang estado iisipin na may nangyari sa atin."  Nanlaki ang mga mata niya. "Wala naman tayong ginawa."  He sighed. "Huwag ka na lang lumabas dito hanggang hindi nakakaalis si Nash."  Nalukot ang mukha niya. "Ano'ng gagawin ko dito?"  "Do whatever you want."  "Seryoso ka?" "Follow me, Sasha. Ayoko makita kang nag-aaligid habang nandiyan ang kaibigan ko." Tumalikod na ito. "Don't sneak out. I'll punish you." "Punish me? Ano ko bata?" she exclaimed.  "Do what I say if you don't want me to kiss you." Mabilis na sabi nito at sinaraduhan siya ng pinto.  Napamaang siya. Kissed her? Hindi ba kasama sa biro ni Daniel iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD