CHAPTER 26 THIRD PERSON POV Sa kabilang dako naman, kasama ni Urziel si Jo Ann patungo sa boarding house nito. Tahimik ang paligid habang naglalakad silang dalawa. Ramdam ni Jo Ann ang kakaibang kaba sa dibdib niya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa presensya ng lalaking kanina pa nakatitig sa kanya na para bang siya lang ang babae sa mundo. “Sure ka ba dito ka nakatira, Jo Ann?” tanong ni Urziel, habang tinitingnan ang lumang gusali ng boarding house. Kita sa mata niya ang pag-aalala, parang hindi siya kumbinsido na dito dapat naninirahan ang isang tulad ni Jo Ann. “Yes, Mr. U. Simple lang naman ako. Kaya okay lang dito,” sagot ni Jo Ann, medyo nahihiya at pinipilit ngumiti. Napailing si Urziel. “Pero hindi ka lang basta simple. You deserve better than this.” Saglit siyang natahi

