CHAPTER 39 Third Person POV Si Kaen nakatitig na may halong galit. Mula sa gilid ng alley sa likod ng Le Prestige, nakamasid siya habang nag-uunahan ang mga customers papasok ng restaurant ng kanyang nakababatang kapatid na si Urziel. Dinig niya ang tawanan, ang papuri, at ang mga flash ng camera ng mga reporters. Sa bawat sigaw ng pangalan ng restaurant, lalo siyang nagngingitngit. Kailan pa naging bida si Urziel? Kailan pa siya naging mas magaling kaysa sa akin? At ang lahat ng iyon dahil lang sa isang babae. FLASHBACKS 3 MONTHS AGO Walong buwan na ang nakalilipas, isang gabi sa isang private function room ng hotel nagkaharap sina Kaen at Wyn. Nakaupo si Kaen sa swivel chair, hawak ang isang baso ng brandy. Si Wyn naman, nakasandal sa mesa, hawak ang isang sigarilyo na hindi pa s

