CHAPTER 30 Third Person POV Tahimik ang buong kusina habang naglalakad si Jo Ann papunta sa prep table. Hawak niya ang ilang ingredients na tila hindi pangkaraniwan sa typical na menu ng Le Prestige. Mula sa sulok, pinagmamasdan siya ni Kaen, ang tingin ay puno ng pagsusuri at kaunting pag-aalinlangan. Sa gilid naman, si Wyn nakatayo, halatang hindi mapakali halos ayaw niyang mawala ang tingin sa bawat galaw ni Jo Ann. “Anong lulutuin mo?” malamig na tanong ni Kaen, parang may hamon. Ngumiti lang si Jo Ann, mahinhin ngunit may tiwala sa sarili. “French-inspired po, Sir. Pero iba. Ako po ang nag-formulate nito hindi pa po siya existing sa kahit anong fine dining restaurant.” Napataas ang kilay ni Kaen. “Original creation?” “Yes, Sir. A unique take on Canard aux Fruits Rouges. Pero ins

