CHAPTER 7

2251 Words
"Tayo lang ba talaga?" Kung kumportable na sa akin si Andrew, ako malamang ay hindi. Hindi ko pa kaya at biglaan naman kasi. Hindi ako nakapaghanda, ni ko 'to inasahan. "Kailangan ko pa bang ulitin?" maanghang na palatak ni Andrew habang maang na tinatapunan ako ng tingin. "Bakit nga kasi ako?" balik pagtatanong ko ngunit umikot lang ang eyeballs niya sa ere. "Nandiyan naman si Jinky 'di ba? Siya na lang ang isama mo." Bakit kung kailan may pagkakataon ako ay doon naman umuurong ang buntot ko? Gusto kong isipin na chance ko na iyon para sabihin kay Andrew ang hiling ni Anna, chance na namin iyon na mapag-isa. Ngunit sa isiping magsasama kami ay pinagtataasan ako ng balahibo sa batok, parang hindi ko maatim na dalawa lang kaming magkasama. Ewan ko, ang tagal na kasi ng panahon noong maramdaman kong kumportable ako sa kaniya. Sa ngayon ay nagmistulang mayroon ng harang sa gitna namin. Tila ba alanganin na tipong iyong dati ay hindi na pwedeng ibalik pa. Sa madaling salita ay may lamat na, mahirap nang pagtagpi-tagpiin ang mga nawala at nasira. Nawalang pagmamahal at nasirang tiwala. Napalabi ako, saka pa pinanood ang bawat pagdaan ng emosyon sa dalawang mata ni Andrew. Mukha lang siyang maamo ngayon, pero kasing tigas pala ng bato ang puso niya. "Kung nandito lang siya, bakit hindi 'di ba? Wala akong choice, nagmamadali rin kasi si Sir Melvin at wala pa siya," paliwanag ni Drew sa mababang boses. "Kung ayaw mo ay bahala ka sa buhay mo. Sabihin ko na lang sa kaniya na kaltasan ang sahod mo—" "Hoy!" maagap kong bulyaw sa kaniya. Mabilis din siyang tumalikod, pero naabutan ko pa ang pagngisi niya na hindi ko alam kung para saan. Kung tama bang natutuwa siya na wala na akong magagawa, o nagagalak siya dahil makakasama niya ako. Shít na malagkit. At sino ba ako para mag-assume? Lintik. "Sandali lang naman!" Imbes na hindi ako ay hindi na ako niya ako pinansin pa. Walang lingun-lingon na nilayasan niya ako at deretso siyang lumabas ng department namin. Inis na napatayo ako at kaagad na kumaripas ng takbo upang habulin siya. "Bwisit ka talaga!" sigaw ko rito nang mapantayan ko ang malalaki niyang mga yabag. "Hindi ako sumama para sa 'yo, ah! Wala lang talaga akong choice!" "Okay lang. Ako rin naman, hindi mo binigyan ng choice noon," malamig niyang pahayag, kasunod nang pagpasok niya sa loob nang kabubukas lang na elevator. Aba— sa narinig ay awtomatikong bumagsak ang panga ko. Hinarap niya ako na nananatiling nakatayo sa hamba ng elevator. Hindi ako gumagalaw at tanging paninitig lang ang nagagawa ko sa kaniya ngayon na siya ring nakatitig sa akin. Hindi ko pa mahanap ang tamang salita para salungatin ito. Kasi may parteng totoo naman ang sinabi niya. I mean, yes, totoo nga na hindi ko siya binigyan ng choices dahil nagkusa akong umalis at iwan siya noon. Mayamaya lang nang mapakurap ako sa kawalan, lalo nang iharang ni Andrew ang isa niyang kamay sa papasaradong pinto ng elevator kung kaya ay muli iyong bumukas. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay. "Na-frozen ka na yata riyan, Elsa. Galaw-galaw din at baka ma-stroke ka," anas niya dahilan para mapaismid ako. Imbes na gusto kong magdrama ay ang laking panira niya. Tch, kahit kailan talaga siya— he's getting into my nerves, pero hindi naman maiwasan na mahabag ako. Ang gwapo lang kasi niya sa suot niyang formal attire, parang businessman talaga. "Pumasok ka na," muling untag ni Drew, rason para mabalik ako sa reyalidad. Kasing bilis ng kidlat na pumasok ako sa loob at dumikit sa gilid ng elevator. Literal na iniiwasang huwag madikit sa katawan ni Andrew. Kaming dalawa lang ang naroon kung kaya ay maraming pagkakataon na nagririgodon ang puso ko. Natahimik ako at hindi na nagtangka pang magsalita. Sa oras na iyon ay naging abala ako kung paano ko pakakalmahin ang sarili. Kasabay kung paano ko kinukuha ang tamang tiyempo para sabihin sa kaniya ang hiling ni Anna. Hindi pa nagtagal nang makababa kami sa parking lot kung saan sa tingin ko ay naroon ang kotse niya. Hindi nga ako nagkamali at mabilis din namin iyong narating. Kaagad siyang umikot sa gawi ng driver's seat. Samantala ay pumwesto naman ako sa back's seat at saka ko iyon mabilis na binuksan. Tangkang yuyuko ako upang pumasok na sa loob nang mapansin ang pagkakatigil ni Andrew. Nang malingunan pa siya ay nakatanaw siya sa akin. "Hindi ba't magmumukha naman akong driver mo kung diyan ka uupo?" takang pagtatanong niya kung kaya ay napatayo ako ng tuwid. "Gusto mong dito ako?" Itinuro ko ang passenger's seat, saka naman siya tumango bilang pagsang-ayon. "Hindi ba ay pwesto 'yan ni Jinky? Baka magalit siya kapag nalaman niyang naupo ako riyan—" "Hindi niya ito kotse para magalit siya, kay Sir Melvin ito na pinahiram niya sa akin. Isa pa ay wala si Jinky ngayon. Kaya kung pwede ay huwag mo na muna siyang babanggitin?" Pinagtaasan niya ako ng kilay, kalaunan nang mapatango-tango ako. Oo nga pala, nasaan ba ang babaeng iyon? Huwag niyang sabihin na late na naman siya sa unang araw ng pagbabalik niya sa trabaho? Ang malala ay absent siya. Naku talaga, wala pa ring pagbabago sa kaniya. Huminga ako nang malalim bago isinarado ang pinto sa back's seat at lumipat sa harap. Halos magkasabay pa kami ni Andrew nang makapasok kami sa loob ngunit hindi ko na ito nagawang balingan pa. Minabuti kong ayusin ang seatbelt ko, kapagkuwan ay tumingin sa labas ng bintana nang mag-umpisang umusad ang sasakyan. Nakanguso ako habang pinipilit ang sarili na i-appreciate ang mga nakikita ko sa paligid. Sa buong biyahe namin ni Andrew ay naging tikom ang bibig ko na para bang natatakot akong magsalita. Dinaig ko pa ang naka-permanent glue na hindi ko man lang iyon maibuka. Tch, bakit ba kasi ganito? Ang hirap pakisamahan ng katawan ko, like hello? Ito na, oh— chance ko na 'to, siguro naman ay wala ng sagabal ngayon, pero bakit ayaw makisama ng bibig ko? Napaismid ako sa kawalan. Mahigpit pa ang pagkakahawak ko sa seatbelt na naroon banda sa dibdib ko. Hindi ko rin mawari kung ano bang gagawin namin sa Dela Vega International Airport at kailangan pang nandoon ako. Wala pa sa sarili nang mapahawak ako sa tiyan ko nang humilab iyon. Maigi ko iyong pinakiramdaman dahil feeling ko ay bumabaligtad ang sikmura ko na kung tutuusin ay kumain naman ako kanina. Kalaunan nang manlaki pa ang mga mata ko nang matantong tinatawag ako ng kalikasan, rason para makagat ko ang pang-ibabang labi ko. Shít talaga, napaka-wrong timing, ah! Ngayon pa talaga, my goodness! Napangiwi ako habang pigil-pigil ang sarili, saka pa iniyuko ang sarili at sumandal sa gilid ng bintana. Nakita ko ang simpleng paglingon sa akin ni Andrew bago ko ipinikit ang mga mata. Sa nakalipas na minuto ay nasa ganoong ayos ako. Kaya rin ay hindi ko na napansing nakarating na pala kami sa airport. Huminto kami, sa labas lang din nag-park ng kotse si Andrew. Nang mabuksan niya ang pinto sa gilid niya ay doon ko lang siya nilingon. Dumungaw pa siya sa bintana para tingnan ako. "Bumaba ka na riyan, tara na," anyaya niya kung kaya ay mabilis din akong tumalima. Nakasunod lang ako sa kaniya habang papasok kami sa loob ng Dela Vega International Airport. Sa kawalan ko sa sarili ay hindi ko na masyadong nasundan ang mga nilakaran namin ni Andrew. Basta ay namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng isang conference room kung saan may ilan ng tao sa loob. Nagulat pa ako nang ibigay sa akin ni Andrew ang dala-dala niyang attache case, rason para mapatitig ako sa mukha niya. "Anong gagawin ko rito?" maang na tanong ko, saka pa pinanlilisikan siya ng mata. "Nariyan ang mga gamit ni Sir Melvin. Ilagay mo lang iyan sa table niya at saka ka umupo roon para makinig at mag-take note ng mga sasabihin niya," mahabang lintanya niya. Mas lalo lang din gumitla ang linya sa noo ko. "So, anong silbi mo ngayong araw bilang secretary niya?" Sa sinabi ko ay walang sabi-sabing pinitik niya ang bibig ko dahilan para mapahiyaw ako sa sakit. Inis na inungasan ko siya at saka pa mas ipinagduldulan sa akin ang attache case. Wala na akong nagawa kung 'di tanggapin iyon. "May ibang ipinapagawa si Sir M, kaya ikaw na lang muna roon sa loob. Huwag nang matigas ang ulo," anas niya, kapagkuwan ay binuksan ang glass door ng conference room. Itinulak niya ako papasok, halos sumasayad pa sa sahig ang mga paa ko dahil sa sobrang pagmamatigas. Kalaunan nang magwagi rin siya. Wala na talaga akong choice kung kaya ay minabuti ko nang gawin ang sinabi niya. Nang matapos kong mailapag ang attache case sa table na nasa harap ay naupo rin ako sa dulong bahagi nang malaking paletrang U na lamesa. Sa mga nakahilerang swivel chair doon ay okyupado na rin iyon ng ilang mga naka-business suit. Tango ang naging pagtanggap nila sa akin. Suot ko ang tipid na ngiti habang nahihiya pa sa sarili, lalo at bago lang sila sa paningin ko. Sa nakalipas na minuto ay napansin kong napuno na ang ilang bakanteng upuan. Kasunod naman nito ay ang pagdating ni Sir Melvin. Hindi na ito nagulat nang makita akong nakaupo. Natanto ko na kailangan niya ng manpower mula sa pub house niya kaya ako nandito ngayon. Huminga ako nang malalim at tahimik lang din na nakikinig sa mga idini-discuss niya. Ngunit gaano ko man ituon ang atensyon sa topic ay sadyang hindi ko magawa. Napayuko ako habang abala na minamasahe ang tiyan ko. Lihim ko lang na ginagawa iyon at baka mapagalitan pa ako ni Sir Melvin. Umayos ako ng upo, literal na hindi ako mapakali at makapag-concentrate. Mariin akong pumikit, kalaunan nang hindi ko rin makayanan kung kaya ay minabuti ko nang tumayo. Dahan-dahan ay in-excuse ko ang sarili palabas ng conference room. Mabuti at hindi naman umangal si Sir Melvin. Sa pagmamadali ko pa ay nakalimutan ko ang bag ko sa kaninang inuupuan ko ngunit hinayaan ko na dahil babalikan ko naman iyon mamaya. Deretso akong lumiko pakanan. Sakto nang makita ko ang ladies comfort room. Lakad-takbo ang ginawa ko, halos masira pa ang pinto roon nang padarag ko iyong binuksan. Dali-dali akong pumasok sa isang cubicle, pikit ang mga mata ko nang itinaas ko ang skirt ko at naupo sa bowl. Shít! Napakagaling talaga, ngayon pa yata ako nagka-diarhea. Wala sa huwisyo nang maitukod ko ang dalawang palad sa mukha ko at saka ninamnam ang mga sandaling iyon, pero ilang minuto na ang lumipas nang wala namang lumalabas sa akin. Iyong tipong masakit ang tiyan ko ngunit ni isang patak ng ihi ay wala akong mailabas. Nagmulat ako bago napatingin sa relo ko at nakitang pasado alas dose na ng tanghali. Ano mang oras ay lunch hour na. Nang matanto kong hindi naman ako literal na nadye-jebs ay minabuti ko nang tumayo, pero kaagad ding napaupo nang matanaw ang kulay pula sa panty ko dahilan para mahulas ang lahat ng emosyon sa mukha ko. "Fvck," bulong ko sa hangin, kasabay nang pagkakatigil ng hininga ko. "Oh, my God!" Iyong tipong gusto kong sumigaw, magwala at iuntog ang sariling ulo sa pader. Kapag minamalas-malas ka talaga, ngayon pa ako niregla! Kung kailan ay wala akong dalang tampon. Ang malala pa ay hindi ko nadala ang bag ko. Bakit ba parang ang malas ko ngayon? Iyong jebs ang ini-expect ko, pero red flag pala. Bakit ko ba kasi nakalimutan na kabuwanan ko na pala ngayong petsa na 'to? Bakit ba ang tanga-tanga ko? Paano na ako nito ngayon? Marahas na bumuga ako ng hangin, saka pa naiinis na sinabunutan ang sariling buhok dahilan para mawala iyon sa pagkakatali nito. Sa dami nang makakalimutan ko, iyong bag ko pa. Pero kung sabagay, wala rin akong dalang napkin kung kaya ay para saan pa? Pero nandoon ang cellphone ko. Muli akong pumikit. Nasa ganoong posisyon lang ako nang marinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto sa labas, hudyat na may taong dumating. Napapitlag pa ako nang sunud-sunod na pinagkakakatok nito ang mga pinto sa lahat ng cubicle sa labas. "Elsa!" sigaw ng isang boses, rason para umahon ang kaba sa dibdib ko. "Nasaan ka? Nandito ka ba?" "Andrew..." bulong ko sa hangin at hindi pa makapaniwalang napatitig sa kawalan. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? "Galawin mo ang baso kung nandito ka," aniya at imbes na magmukmok ako ay umalpas ang ngiti sa labi ko. "Na—nasa dulo ako," sambit ko sa mababang boses, pero sapat na para marinig niya. Saka ko naman narinig ang papalapit niyang mga yabag. Mayamaya lang nang maaninag ko ang anino niya sa labas ng pintuan ng cubicle kung saan ako naroon. Huminto siya roon bago kumatok ng tatlong beses. "Dito ba?" paglilinaw niya kung kaya ay tumango ako kahit ang non-sense dahil hindi naman niya ako nakikita. "Kanina ka pa hinahanap ni Sir M, bigla ka na lang daw lumabas ng meeting. May problema ba?" "Ano kasi... may mens ako ngayon," banggit ko sa katotohanang iyon. "Mens? Regla?" pag-uulit ni Andrew, rason para mag-init ang magkabilaan kong pisngi sa sobrang pagkapahiya. "Hinaan mo lang ang boses mo, baka may makarinig sa 'yo riyan." "May napkin ka bang dala riyan?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko, bagkus ay tuluy-tuloy lang siya sa mga gusto niyang sabihin. Porket hindi ko siya nakikita. "Nireregla ka pa pala, akala ko ay menopause ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD