Chapter 57 Kian’s POV Ngunit ang pangatlong suntok ko’y alertong sinalo ng kaliwa niyang kamay. Nagawa niya itong pigilan kasabay ng pagpakawala ng suntok sa kanang kamao niya, sa bilis ay ‘di ko iyon nailagan nasapo nito ang ilong ko. Sa lakas ng pagkakasuntok niya’y napaatras ako at nabitawan siya. Muntikan pa akong matumba. “Namimihasa ka nang gago ka! Akala mo’y bakla ‘di marunong manuntok? Basagin ko mukha mo, e! Kung magalit ka, wala namang kayo noon! Oo mahal mo siya pero ‘di mo siya pagmamay-ari nung hinalikan ko siya!” Mabilis kong pinunasa ang ang dugong lumabas sa ilong ko at galit na tinignan siya. Dahan-dahan siyang tumayo sapo ang pisnging natamaan ng suntok ko. “Alam mong mahal ko siya!” Galit ko siyang nilapitan at malakas na tinulak sa dibdib, bahagya siyang napaat

