Amber’s POV Bahagya akong nagulat ng bigla na lamang niya akong hinila at niyakap. “I want yours, no one else but yours,” bulong niya. “Kian…” “I know this is not the right time but as much as I wanted to set aside my feelings, I just can’t help it, Amber. I’m jealous, I’m f*cking jealous of Ken!” His grip tightened and became possessive. Tila ayaw niya akong bitawan. Sa sobrang pagkalapat ng katawan naming dalawa ay ‘di ko na alam kung kanino itong naririnig ko at nararamdaman kong malakas na pagtibok ng puso. “Nagseselos ka sa kapatid mong halus ipagtulakan ako palayo? Kapatid mong sobrang nandidiri sa’kin? Kapatid mong alam mong hindi ang mga kagaya ko ang gusto?” “If you only knew,” bulong niya. “What do you mean?” Tanong ko dahil ‘di ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

