Lovely's POV Buong maghapon naglibot lang kami sa buong mall. Sobrang saya yung tipo na hindi ka talaga mababagot pag kasama siya. Kinagabihan mga 8:00 pm na ako nakauwi dahil inenjoy na muna namin yun bago umuwi. Pagkapasok ko nadatnan ko si mommy na nakaupo. Siguro wala pa si daddy. Kadalasan kasi nagoovertime siya, nandyan naman si theo para tulungan siya. "Hi mom." Bati ko. Hinalikan ko naman siya sa pisngi bago umupo sa tabi niya. "Anak. Kanina kapa hinihintay ng kuya mo." Sabi nito. "P-po?" Kinakabahan na sagot ko. Parang kanina lang okay ako ngayon naman kinakabahan ako sa tuwing hinahanap ako ni theo o kaya naman tinatawag. Hinawakan naman niya yung kamay ko at humarap sakin. "Anak kahit anong gawin ng kuya mo pakiusap lang intindihin mo siya." Sabi nito. "Hindi ko po alam

