Lovely's POV Nagising na lang ako dahil sa gutom. Ang hirap pala na matutulog ka walang laman yung tyan mo. Bumangon na ako saka bumaba. Pagkababa, nakita ko si theo na nakatayo at nakatingin ito sakin. "Gigisingin na sana kita para kumain, pero naunahan mo ako." Natatawang sabi nito. Nakakapanibago para sakin na makita siya na tumawa. Napangiti naman ako ng lihim dahil sa narinig ko magmula sakanya. "Nagising din naman kasi ako dahil nagugutom ako. Tara na." Sabi ko at nauna na ako sakanyang umupo. Umupo naman siya sa harapan ko at kumain na. Buong dinner tahimik lang kami, siguro wala siyang balak magsalita, kaya binasag ko na yung katahimikan baka mapanis yung laway ko nito. "Theo." Tawag pansin ko sakanya. "Hmmm?" "May tanong sana ako." Sabi ko. "Ano yun?" "Bakit ako? Marami

