Lovely's POV
Nakangiting inakbayan ako ni wyatt habang nakatingin sa harapan dahil nandun parin naman yung teacher namin bago siya sumagot.
"Ano ka ba, okay lang yan at least ngayon mararanasan mo ng mag-aral sa school na to." Nakangiting sagot niya.
Ngumiti naman ako sakanya. "Salamat."
Napatingin naman ako sa iba na nakatingin pala sakin saka kay wyatt. Hinili ko yung uniform niya, hindi niya napapansin. Napatingin naman siya sakin.
"Nakatingin sila satin." Bulong ko pero may halong nahihiya.
"Don't mind them." Sagot niya.
May narinig pa ako mula sakanila kaya namula naman ako dahil na narinig ko. Dahil kaibigan ko siya ngayon. Bago.
"Bagay sila ni Lovely. Siya yung kuya ni theo diba?" Sabi ng isa.
Yung lalaking talaga na yun sikat kahit mukhang strikto naman. Sabi ng isip ko. Napailing nalang ako.
"Ano kaya kung minsan pumunta ka sa bahay? Sleep over tayo?" Suggest nito.
"Hmmm. Mukhang hindi ako papayagan lalo na lalake ka pa naman." Sagot ko.
"Don't worry kasama naman natin yung nakakabata kong kapatid na babae. Dun ka matutulog sa kwarto niya."
"Osige, basta maghahanap akong tyempo na makapagpaalam aa." Sagot ko at umoo naman siya.
William Theo's POV
Hindi ako mapakali sa iisang pwesto, dahil kakaisip kay lovely dahil baka ano ng ginagawa ni wyatt sakanya. Matapos kasi na nag-usap kami ni tita dumeresto kaagad ako sa opisina para umpisahan ang pagtatrabaho.
Kung may maiipon ako, pwede ko ng buhayin mag-isa si lovely. Pero hindi pa ngayon, hihintayin ko muna na makapagtapos siya ng pag-aaral.