CHAPTER 18

904 Words
Nagtagal pa ako sa loob ng kwarto ni theo bago bumangon at nag ayos. Sinigurado ko na walang bakas na luha sa pisngi at kung hindi na namumula ang ilong at mata ko dahil sa pag-iyak. Pagkababa ko galing sa second floor. Nadatnan ko si mommy at theo na kumakain na. Mukhang napansin naman ako ni mommy kaya lumingon ito sa dereksiyon ko bago ngumiti. "Kain kana anak." Sabi nito. Umupo naman ako sa tabi niya. Tumingin pa ito na parang nagtataka kung bakit sakanya ako tumabi himbis na kay theo. Habang si theo parang walang pakiaam kaya hindi ko nalang pinansin at nanahimik saka nagumpisa na kumain. "Mom. Nasaan po si dad?" "Ay. Maagang pumasok sa trabaho. Alam mo naman yun pag ganito maaga talaga siyang umaalis." "Ano po pala mommy. Pwede ko po ba siyang puntahan?" "Oo naman. Sumabay kana sa kuya mo tutal paalis narin naman siya." "Wag na po. Magcocommute nalang po ako." Sabi ko. Dahil ayoko siyang makasama. Naiilang na ako sakanya. "No! Sa akin ka sasabay." May diin na sabi niya saka siya tumayo kaya napabugtong hininga muna ako bago umakyat at nagbihis ng maroon na round neck saka short at converse na kulay red at bumaba na. Bago ako lumabas nagpaalam muna ako kay mommy at lumabas saka sumakay sa sasakyan ni theo. Pinaandar na niya yung makina ng sasakyan. Habang nasa biyahe kami wala kaming imikan dahil parang ayoko muna siyang kausapin. Habang nakatingin ako sa bintana saka naman may bumasag sa katahimikan na nakapaligid sa loob ng sasakyan dahil tumunog yung cellphone ko dahilan para lumingon sa gawi ko si theo saka tumingin ulit sa daan. Pagkatinggin ko sa screen ng phone ko si wyatt yung tumatawag. Wyatt's Handsome Calling… Napatawa ako dahil sa nilagay niya na pangalan sa contact ko. Baliw talaga yun. Sinagot ko na pero hindi parin ako tumitingin kay theo. Baka kung ano nanaman gawin niya. "Hello?" "Hello Lovely. Where are you?" tanong nito. "Papunta ako sa company ni dad." Paliwanag ko. "Okay. After mong puntahan yung dad mo pwede kitang sunduin?" Alanganin na tanong nito. "Saan ba tayo pupunta?" "Ano. Magmamall lang tayo." Sabi nito. "Ee. Paano ba yan. Wala akong pera." Nahihiyang sabi ko. Napatawa naman ito. "Okay. My treat tutal ako naman yung nagyaya" "Sabi mo yan aa." Nakangiting sabi ko. Napatawa naman siya. Alam ko kahit hindi ko siya nakikita nakangiti siya. "Opo. Osige na." matapos nun binaba na niya. Sakto naman huminto na yung sasakyan ni theo sa harapan ng Jones' Company. Pababa na sana ako ng bigla siyang nagsalita. "We are talk after my work." Walang emosyon na sabi nito dahilan para magdala ng kilabot sa buong katawan ko. Saka hindi pa ba siya sawa na palagi nalang kaming nag-uusap tapos pag nag-usap naman kami nagagalit siya. Ang labo talaga niya. Tumango nalang ako bilang sagot at bumaba ng sasakyan at dali-daling pumasok ng company ng bigla akong harangin yung nasa front deck. "Ma'am saan po kayo pupunta?" Takang tanong nito. Sasagot na sana ako ng may nagsalita mula sa likod ko. "Just let her in." Sabi naman ni theo. Dahil siya yung nagsalita. "But sir." Nagaalangan na sabi naman nito. "She's my younger sister, so let her in." May diin na uto nito kaya sumunod nalang ito kaya nagpatuloy nalang ako at sumakay ng elevator. Pagkarating ko sa 20th floor nakita ko naman yung secretary nito kaya lumapit kaagad ako. "Hello po. Nandyan po ba si daddy?" Tanong ko. "Good morning ma'am. Yes, nandyan po siya." Sabi nito at pinapasok niya ako. Pagkapasok ko sa office ni dad nakita ko siya na may pinipirmahan. "Dad." Nakangiting tawag ko. Nag-angat naman ito ng tingin at napangiti. "Princess. Come here." Nakangiting pahayag nito at lumapit kaagad ako para yumakap at humalik sa pisngi niya. "What are you doing here princess?" Takang tanong nito bago siya kumalas sa yakap. "Hm. Nothing dad." Napatawa naman ito. "Come on princess. I know you want to say something." Napabugtong hininga muna ako bago nagsalita. "Hmmm. Ano dad. Can i say something favor on you?" Alanganin na tanong ko. "Yeah sure. What is it?" "Ano po. Kung sakali man po na isama ako ni kuya theo sa bagong bahay niya at tumira daw po kasama siya please lang po wag kayong pumayag." Paliwanag ko. "Why?" Tanong nito. "Ee kasi po ayaw niya na lumapit ako sa mga lalake sa school tapos nalaman po niya na kinaibigan ko po yung anak ni tita anna at tito wane gusto niya po layuin ko pag daw po sinuway ko siya sasama na daw po ako sakanya." Paliwanag ko. "Okay sure. I don't like your kuya's idea." Seryosong sabi nito. "When you graduate princess you will come with me. We our going in Califonia." Dagdag nito. "But why dad?" "I know theo will going do something i don't like. At napapansin ko yung binibigay na tingin niya sayo kahit tahimik akong nagmamasid sainyo, and one more thing i know your mom too. Pag may gusto si theo na hindi niya makuha tutulungan yan ng mommy mo at gagawa yan ng paraan. Please understand my point princess." Paliwanag nito. "I understand dad. Thank you po dahil ikaw po yung gagawa ng paraan." Sabi ko. "Your welcome princess, and when you finally finish your study we're back here. Okay." Tumango naman ako bilang sagot. Siguro hindi na ako mahihirapan dahil si dad mismo gagawa ng paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD