CHAPTER 7

375 Words
"Oo naman. Noong bata pa yung kuya mo ipinagawa ko na iyon." Nakangiting sabi nito. "Sige po." Nakangiting sagot ko. "Dad. Hindi naman po yata ako payag dyan sa sinasabi niyo." Pagtutol ni kuya theo. "Bakit naman kuya?" Malungkot na tanong ko. "Bakit hindi ka nalang mag home study? Baka mapano kapa." Dahil sa sinabi niya hindi ako nakasagot kaya yumuko nalang ako. "Buong buhay ni lovely hindi siya lumabas, home study rin siya noon. Bakit hindi mo nalang hayaan ang kapatid mo na makisalamuha sa iba. Hayaan mo na matuto siya." Paliwanag naman ni mommy. "Pero mom. Baka mapano ulit siya. Walang magbabantay sakanya." Inis na pagtutol niya. Ayaw niya ba na makisalamuha ako sa iba? Kakayanin ko naman. Siguro naman mababait yung mga tao dun sa papasukan ko na school. Hindi ko alam na nangingilid na pala yung luha ko. Tumayo na ako at naglakad paakyat. Nang magsalita si daddy. "Lovely. Where are you going?" Tanong nito. "A–ano po dad. Aakyat lang po ako sa kwarto ko." Naiiyak na sabi ko at umakyat na. Pagkabukas ng pintuan pumunta kaagad ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Napaiyak na ako ng tuluyan dahil sa iniisip ko yung reaction niya. Akala ko pa naman matapos niya akong alagaan kanina. Okay na kami. Pero mukhang ayaw niya akong palabasin ng bahay. William Theo's POV Matapos niyang sinabi iyon. Naglakad na ito papuntang kwarto niya. Kasalanan ko ito. Kung sanang hindi ako tumutol hindi siya iiyak. "Pakiusap naman anak. Hayaan mo na ang kapatid mo." Pakiusap ni mommy. "Ma. Pinoprotektahan ko lang siya." "Pinoprotekhanan. Wala pa naman nangyayari sakanya. Ipapabantay ko siya habang nasa school siya." Paliwanag niya. Habang si dad tahimik lang. Bumugtong hininga muna ako bago sumagot at tumayo. "Okay sige na. Kakausapin ko lang po siya." Sabi ko. Tumakbo ako paakyat ng kwarto niya at naririnig ko ang paghikbi niya. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko siya na nakatalukbong ng kumot kaya nilapitan ko ito at tinaggal ang kumot na nakatakip sakanya. Nakita ko itong nakapikit habang umiiyak. "Wag ka nang umiyak. Pumapayag na akong mag-aaral ka sa Jones Academy." Paliwanag ko. Nagmulat naman ito ng mata. Pinunasan ko muna yung luha niya bago ko siya pinaupo. Ayoko siyang umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD