Nagising nalang ako ng may maramdaman ako na nakadagan na braso sa bewang ko kaya nilingon ko ito kung sino. Si kuya theo.
Tatanggalin ko na sana yung braso niya, pero gumalaw naman siya at lalo akong niyakap at sumiksik pa siya sa leeg ko.
"K–kuya." Tawag ko.
"Hmmm."
"P–pwede po bang lumayo kayo ng kaunti lang." Naiilang na sabi ko.
"Just don't mind me. Take some rest." Sagot niya.
Naiilang ako sakanya, parang kahapon lang mukha pang hindi niya ako matanggap dito.
Humiga ako mapalikod sakanya dahil sa naiilang ako, pumikit na ako para mawala ang pagkailang ko sakanya. Siguro itutulog ko nalang ulit ito.
William Theo's POV
Hindi ko maiwasan mapangiti ng palihim dahil mukha pa itong naiilang sakin.
Kaya nung tumalikod siya ng puwesto gumalaw ako at niyakap siya patalikod. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganito sakanya. Basta ang alam ko, hindi ko siya hahayaan na may lumapit na lalake sakanya. Except me and my dad. No other else.
Bigla naman napaharap sakin si lovely kaya naman napayakap ito sakin habang nakapikit parin. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng palihim. Mukhang masarap ang tulog niya.
Habang tinititigan ko lang ito may kumatok naman sa pintuan.
"Pasok."
Bigla naman bumukas ang pintuan at nakita ko si mom na nakangiti habang tinititigan kaming dalawa ni love. Yeah love. I love it when i call it love not lovely. Love sounds her name and sounds like endearment.