Sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas, nahanap ko na si Simon. Hindi ko akalain na kaibigan ko rin pala ang taong mahal ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang kausap ang mga tauhan niya. Lumingon siya sa akin matapos niyang kausapin ang mga tauhan niya at humakbang papalapit sa kinauupuan ko. Ma, okay ka lang ba? Pasensya ka na ha, kailangan natin manatili dito ngayong gabi. Nasa paligid ang mga kalaban pero huwag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan para mailigpit sila ngayong gabi. Agad kong hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko bago ko siya sinagot. "Naiintindihan ko, sir. Alam ko naman na makakalabas tayo dito," agad siyang umupo sa harapan ko at saka tinitigan ako sa aking dalawang mata bago niyakap nang mahigpit. "Hali ka nga dito, Ma," sabi niya sabay hawak s

