Chapter 23 - Annchen

1619 Words

Pagdating nila sa club ay mas maraming tao ang nasa loob kaysa noong una silang nagpunta ni Miguel. Tulad ng dati ay madilim sa loob niyon na ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag ay ang disco light na iba't iba ang kulay. "Yeah, this place is better," komento ni Orlando na kaagad nagtawag ng waiter. Sa sulok sila pumwesto at hindi niya na nakita pa ang mga bodyguards nito kaya't dumagdag ang kaba niya sa dibdib. Wala siyang ibang natatanaw na puwede niyang hingan ng tulong kung sakaling samantalahin ni Orlando na silang dalawa lang. "What's yours, Lady Annchen?" "T-tequila..." Habang kinakausap ni Orlando ang waiter ay may pumasok na tatlong kalalakihan sa loob. Halos kasintaas ni Orlando at itim ang suot na polo at pati pantalon. Lumikot ang mata ni Orlando saka iniharang nang baha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD