MAICY POV
Habang naglalakad ako sa hall ng aming paaralan, napahinto na lang ako ng makita ko ang kaibigan kong si Pia na papunta sa likod ng aming school.
"Pia, Pia," ang tawag ko, hindi niya ako pinansin, bagkus ay dumeretso lamang ito ng paglalalakad papunta sa building B ng school namin.
Saturday ngayon and we are supposed to practice volleyball para sa upcoming competition sa school namin. Kanina pa namin siya hinahanap sa practice. Ang call time namin ay 9 am pero ang sabi niya ay on the way na raw siya. But seeing her walking in this building makes me wonder.
Kailangan na naming mag start ngayon kasi baka dumating si Professor Deborah- ang trainer namin na tadtaran ng sungit. So sumunod na ako sa kanya. Napansin ko na may hawak siyang isang paper bag at ang aliwalas ng ngiti niya. Hindi ko alam pero something feels off about this.
Nang marating niya ang 3rd floor, dito na ako kinabahan bigla. Something about this does not feel right at all lalo na ng makita kong sinalubong ni Pia ang 2 months na boyfriend kong si Scott at inabot ang paper bag rito. Ang masakit pa, naglapat ang kanilang mga labi habang nakapalupot ang kamay ni Pia sa batok ng boyfriend ko. Bakit siya humalik ng ibang babae? Ako ang girlfriend niya!
Kinusot ko ang aking mga mata sa pag aakala na isa lamang biro ang lahat ng ito ngunit totoong nangyayari ito sa akin. Parang dinukot nila ang puso ko sa sakit.
"Gerald, ano ka ba? Baka may makakita sa atin. Hinahanap na rin ako sa babae nila Professor Deborah. Sinabi ko na on the way na ako, magagalit na naman yun sa akin for sure! At tsaka di ba sabi ko sayo magki kiss lang tayong dalawa kapag nakipag break ka na kay Maicy?"
Ikinuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Bakit nila ako ginaganito? Naging mabuting tao naman ako.
"Pasensya ka na, hindi ko na talaga matiis. Hayaan mo, pagkatapos niya lang akong pakopyahin sa math subject namin at maipasa ko ito, makikipag hiwalay ako sa kanya kaagad. I don't love her anymore, tapos na rin ang pakinabang niya sa akin."
Tuluyan ng pumatak ang luha sa aking mga mata. But more than tears, I feel so disappointed and walked away. What I see is more than enough para magising ako sa katotohanan na niloloko lamang ako ng boyfriend ko. Kinagabihan, nagpunta ako sa isang bar upang mag inom.
3 years... 3 years ang binitawang relasyon ni Scott! How could he do this to me? Ang akala ko pa naman, nangako siya na ako ang babaeng pakakasalan niya after graduation namin. Hindi ako nagpupunta ng bar ngunit this time, feeling ko ay alak lamang ang dadamay sa akin sa mga problema ko.
Gusto kong makalimot sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. Masakit mawalan ng boyfriend pero masakit din mawalan ng kaibigan. Childhood friend ko pa naman si Pia subalit nagawa niyang agawin ang boyfriend ko sa akin. While I understand na maraming babae ang nagkakagusto sa boyfriend ko dahil isa itong football varsity at heart throb ng school. Never sumasagi sa isipan ko na ang babaeng aahas sa kanya ay ang mismong kaibigan ko.
I rested my face on my hand, knowing that my tears are about to fall again. Paano na lamang ang sasabihin nila Mom and Dad kapag nalaman nila na ang boyfriend ko ay inagaw ng babaeng itinuring nilang parang isang anak?
Nanatili akong tulala at tuliro. Kahit na ilang beses pa akong uminom ng tequilla, wala pa rin itong talab sa akin.
Sariwang sariwa pa rin ang alaala ko sa nangyari until I felt someone sat beside me. Napalingon ako and my eyes widened in shock to see a man with handsome face. He has this kissable lips and thick eyebrows, matangos ang ilong at walang pores ang mukha.
He smiled at me at napatitig ako sa mga ngipin niya. Pantay pantay ito at ang puti puti. Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya niya. Tapos nakasalamin pa siya, mukha rin siyang matalino.
"Miss panyo, alam kong kailangan mo yan ngayon," saad niya. Ang friendly ng boses niya, mahinahon pero ramdam kong may pag aalala.
I admit, marupok akong babae lalo na kapag gwapong lalaki ang kaharap ko kaya walang atubiling tinanggap ko ang panyong bigay niya. Pinunasan ko ang luha ko pero hindi ko muna binalik ang panyong bigay niya. Ang bango bango kasi nito at nahihiya naman akong dungisan ito ng aking luha.
"Please give me tequilla," ani niya sa waiter. Lumingon itong muli sa akin.
"By the way, did you just break up with your boyfriend?" tanong niya.
I knitted my forehead in confusion. Bakit nalaman niya ang tungkol sa pinagdadaanan ko?
"Teka-"
"Sorry, don't get the wrong idea. I have encountered several women at alam ko ang luha nila kapag break up ang kanilang pinag dadaanan."
"Hmmmp..." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Bukod sa nade destruct ako sa mapupungaw niyang mga mata, I am not officially break sa manloloko kong boyfriend. But I consider our relationship already over after what I just saw earlier.
"That's okay if you don't want to say it to me. I understand na ngayon lang tayo nagkakilalang dalawa and it would be weird kung sasabihin mo sa akin ang personal problems mo. If you think drinking alcohol would help you get better and forget about it, ikaw ang bahala. But just drink moderately okay? It seems na wala ka kasing kasama."
The way siyang mag isip, sobrang matured na matured na rin siya. He looks young in my eyes though.
"By the way, mag isa ka lang din ba?" tanong ko naman.
"Yes, actually paborito kong tambayan itong bar na 'to," ani niya, iniabot ang kamay niya sa akin ng nakangiti, "My name is Jericho. Nice meeting you!"
Tinanggap ko naman ang kamay niya. Ang lamig at ang lambot nitong hawakan. "Nice meeting you, ako pala si Maicy."
"What a beautiful name. Bagay sa ganda ng mukha mo," pagpupuri pa niya.