Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Mula sa maliit naming bahay ngayon nakatayo na ako sa harap ng isang napakalaking mansion.
Walang kahit anong ingay. Sobrang linis ng paligid parang walang taong tunay na nakatira rito. Tila hindi ito bahay kundi isang lugar na walang pakiramdam.
Napatingin ako sa matataas na nasa harapan ko.
“Dito?” mahina kong bulong sa sarili ko.
Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa’kin. Eto 'yon, Eto na talaga ang kapalit ng desisyong ginawa ko.
“Pasok.” Narinig ko boses ni Adrian mula sa likod ko.
Napalingon ako sa kanya sandali. Nakatayo siya roon, parang walang iniisip na problema. Samantalang ako pakiramdam ko, bawat hakbang ko ay may kapalit. Huminga ako nang malalim.
“Kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili ko.
Pagbukas pa lang ng pinto, bumungad agad ang malamig na hangin at amoy ng kanilang bahay.
Napahinto ako umiikot ang paningin ko pa punta sa mataas na kisame, Malaki ang bahay may mga tiles na makikintab na halatang ayaw pa apakan.
“Grabe," hindi ko napigilang masabi.
“Masasanay ka rin,” sagot ni Adrian mula sa likod ko.
Napalingon ako. “Hindi ako sigurado.”
“Wala kang choice, Roxanne. You signed the agreement," diretso niyang sabi.
Napangiti ako nang pilit. “Oo nga pala.”
“From now on, this is your home.” Diretso niyang sabi habang naglalakad papasok.
Sumunod ako pero hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Dapat na ba akong matuwa? O dapat ba akong matakot?
“Adrian,” mahina kong tawag.
Hindi siya agad lumingon.
“Sigurado ka ba dito?” tanong ko.
“Too late to ask that,” sagot niya.
Napatahimik ako. Tama siya wala na akong atrasan.
“Sir Adrian, welcome back.”
May lumapit na babae nasa 40 na siguro, maayos ang postura at parang matagal nang sanay sa ganitong lugar.
“Good evening Ma’am.”
Napatingin siya sa akin. Ngumiti pero may halong pagtataka. Parang sinusukat ako kung bagay ba ako dito.
“This is Roxanne,” sabi ni Adrian.
“Your new Madam.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Madam?” ulit ko sa isip ko.
Parang hindi bagay sa’kin ang salitang iyon. Bahay lang naman 'yon sa mayayaman pero sa tulad ko malabo.
“Welcome Ma’am,” magalang niyang sabi.
Napangiti ako nang kaonti. “Salamat po.”
Hindi ako sanay, nakakailang pero kailangan kong masanay.
“Maria will assist you,” dagdag ni Adrian.
Tumango ang babae. “Yes, sir.”
“Prepare her room.”
Napatingin ako kay Adrian.
“Room?” ulit ko.
“Separate,” sagot niya agad, parang nabasa niya ang iniisip ko.
“Part of the agreement.”
Napakagat ako sa labi ko. Isa nga lang pala tong kasunduan. Hindi totoong kasal.
“O-o” nauutal kong sagot.
“Ma’am this way po,” sabi ni Maria.
Sumunod ako sa kanya paakyat ng hagdan. Tahimik ang bawat hakbang ko.
“Matagal na po kayo kay Sir Adrian?” tanong ko na pilit binabasag ang katahimikan.
“Years na po." Nakangiti si Maria.
“Mabait po ba siya?” tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit ko tinanong. Sandali siyang natahimik.
“Depende po,” sagot niya.
Napangiti ako dahil halata naman.
“Nakakatakot pakinggan.”
“Hindi naman po,” sabi niya.
“Kailangan lang siyang intindihin.”
“Hmm,” bulong ko.
“Good luck sa’kin,” dagdag ko sa sarili.
Pagdating sa kwarto napahinto ako.
“Wow!” pabulong kong sabi.
Malaki ang kwarto, may sariling bathroom at may malaking kama. May bintana na papunta ng kisame.
Mas maganda pa sa kahit anong nakita ko sa buhay ko.
“Ma’am if you need anything just call me,” sabi ni Maria.
“Salamat po.” Ngumiti siya bago tuluyang umalis.
Pagkasara ng pinto naiwan akong mag-isa. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kama. Umupo ako pero bigla lumubog ang katawan ko sa lambot nito.
“Hindi ito totoo,” bulong ko.
Parang panaginip lang. Dahil alam kong may kapalit ito. Napahawak ako sa tiyan ko.
“Anak,” mahina kong bulong. “Anong gagawin ko?”
Napapikit ako hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kay Adrian. Hindi ko alam kung kailan.
“Paano kung magalit siya?” bulong ko.
“Paano kung palayasin niya ako?”
Napahigpit ang hawak ko sa sarili ko.
“Hindi pwede mangyari 'yon kailangan kong maging matapang.”
Maya-maya nakarinig agad ako ng katok kaya napatayo ako.
“Pasok,” mahina kong sabi.
Pumasok si Adrian na tahimik. Hindi ko maiwasang mapatuwid ang tayo ko. Bigla nag automatic na nag-aadjust ang katawan ko kapag nandiyan siya.
“Settled ka na?” tanong niya.
“Opo,” sagot ko.
Tumango siya kaya nakaramdam ako ng kaba.
“May kailangan ka pa ba?” tanong niya.
Umiling ako. “Wala na po.”
Hindi siya agad umalis. Nanatili lang siya roon. Nakatitig sa akin na parang binabasa ang mukha ko.
“Adrian,” tawag ko.
“What?”
“Ganito ba talaga tayo?” tanong ko.
Napakunot ang noo niya. “What do you mean?”
“Parang strangers na nakatira sa iisang bahay.”
“Isn’t that what we agreed on?” sagot niya.
Napatahimik ako. “Oo nga pala," mahina kong sabi.
“Roxanne," mahina niyang tawag.
Napatingin ako sa kanya ng nakangiti.
Lumapit siya mga dalawang hakbang hanggang mag halos isang dipa na lang ang pagitan namin.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit parang mas naging mabigat.
“Remember this,” mahina niyang sabi.
“Sa labas asawa kita.”
Tumango ako sa kanya.
“Pero dito.”
Napatigil siya at bumuntong hininga. At mas lumalim ang tingin niya sa akin.
“Don’t cross the line.”
Parang may tumusok sa dibdib ko. Nasasaktan ako.
“Good night,” sabi niya.
Tumalikod siya at tuluyan ng lumabas.
Pagkasara ng pinto saka lang ako napaupo. Napahawak sa dibdib ko dahil sa mabilis ang t***k ng puso ko.
“Anong nangyayari sa’kin,” bulong ko.
Hindi dapat ganito.
“Hindi pwede,” mahina kong sabi. “Hindi ako pwedeng mahulog.”
Ayoko sa kanya at mas lalong ayaw ko sa kanya. Humiga ako sa kama habang nakatingin parin kisame. Hindi ako makatulog madaming tanong sa isip ko.
“Paano kung malaman niya ang tungkol sa baby?”
“Paano kung magbago ang lahat?”
“Paano kung ako lang ang masaktan?”
Napapikit ako at pilit pinatahimik ang sarili ko.
Isang taon ng pagpapanggap. Isang taon ng pagtitiis.
“At pagkatapos nito tapos na.”
Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko may isang bagay na hindi ko matakasan.
Sa ilalim ng iisang bubong kasama ko ang lalaking iyon. Alam kong hindi magiging madali ang lahat.
Dahil sa bawat araw na lilipas mas lalo akong napapalapit sa kanya.
“Please,” mahina kong bulong sa dilim.
“Huwag naman sana na ako lang ang masaktan sa huli.”