CLARISSA POV. Nang magbitiw si Zact sa halik ay binalingan ng tingin ang mga kapatid kong abala sa mga bagong damit nila. Kinuha ko ang tatlong gasera at pinaghiwalay upang magsindi liwanag sa bahay namin. Kumuha ako ng banig at naghanda na ng tutulugan namin ni Zact habang ang dalawang kapatid ko naman ay nasa katre namin matutulog. Binalingan ko ng tingin si Zact at nagtanggal ng sapatos, naupo sa banig habang pinagmamasdan ko ito. "Sigurado ka bang ayos lang sayo matulog rito?" nag aalala ko na tanong. "Oo naman," nakangiting wika nito. Ilang sandali lang ay naghanda na kami para matulog, yakap ko ang bewang ni Zact habang nakaunan sa bisig nito. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko dahil ramdam kong gising at mulat pa ang mga mata nito. "Hindi ka ba makatulog?" tanong ko ng

