CLARISSA POV. Tahimik akong nakaupo sa kama hanggang sa magising na ang mga kapatid ko. Doon ay pinilit ko ngumiti para sa mga kapatid ko. Kasama ko lumabas ng kuwarto ang mga ito at inasikaso ko na dahil maya-maya lang ay papasok na ito sa school. Wala na rin ang dalawang kaibigan ni Zact. Si Ani naman ay tahimik na nakaupo sa tapat ng mesa. Dahan-dahan ako lumapit rito at mahina nag salita. "Pasensya ka na Ani sa nangyari kagabi sa bar. Hindi ko alam na magpupunta roon si Zact," mahabang turan ko rito. "Kalimutan mo na iyon Clarissa," mahinang saad ni Ani at akmang tatayo pero agad ako nagsalita. "Pinsan ni Zact si Ma'am Amanda, e' kung gano'n napakabait naman pala ni Ma'am Amanda para tulungan si Zact magkaroon ng anak," mahabang saad ko dahilan ng pagtitig ni Ani. "Ani, paano

