ZACT DANIEL POV. Matalim ang tingin ni Clarissa sa akin habang mugto ng luha ang mga mata. "Clarissa... ." bagsak ang balikat at namuo ang luha kong saad kay Clarissa. "Lahat ng santo tatawagin ko Zact. Maialis lamang ako rito sa sitwasyon na pinasok ko," mariin na sambit nito at akmang muling babalingan ko ito pero mabilis pumagitna sa amin si Jhon. Nagsukatan kami tingin nito habang matalim ang tingin pinukol sa akin. "Umalis ka sa harap ko," mariin kong saad rito at ngumisi lamang ito. Malakas ko ito tinabig paalis sa harap ko at malakas naman ako tinulak nito. Maagap ito pinigilan sa braso ni Clarissa at mahina nagsalita. "Umalis na tayo," sambit ni Clarissa rito. Pinanood ko lamang anh mga ito habang nagmamadali sumakay sa motor at pinaharurot papalayo sa akin. Nabato na lam

