CLARISSA POV. "Mahal mo ako Zact hindi ba?" mahinang saad ko at nag baba ito ng tingin. Hindi ito sumagot habang paharap akong naka kandong rito. Muli ko ito binalingan ng maalab na halik at nakitang napapikit ito ng mariin. Doon muli ko tinitigan ang mga mata nito na ngayon nag sisimula na mamuo ang luha ko. "Zact please... ." tipid na saad ko rito. Mariin na dinampian nito ng halik ang labi ko at mahina nagsalita. "Oo, " mahinang saad nito. "Mahal kita," dugtong pa nito at nangingiting namuo ang luha ko na yumakap ng mahigpit rito. Ilang sandali ay umalis na ako sa ibabaw ni Zact. Inayos ko ang suot kong dress na halos tumaas na hanggang bewang ko. Ibinaba ko iyon at inayos ang upo ko. "Kumain ka na ba?" tanong ni Zact habang nasa daan ang tingin. "Yep," turan ko. Maya-m

