CHAPTER 5

2613 Words
CLARISSA POV. Hindi ko kayang salubungin ng tingin ito,kaya't naman nagtanong na lamang ako rito. "Anong oras na pala?"tanong ko. Agad naman siyang sumagot at bumaling sa suot n'yang relo at nagsalita. "Alas-dyes na" turan nito. "Gabi na pala, ano. Baka hinahanap na ako nila Mama"saad ko dito. "Sige ubusin mo na lang y'ang kape at uuwi na tayo" tugon niya. Kaya agad ko itong inubos para makauwi na kami. Dagling kinuha niya ang motor mula sa pinagparkingan nito kanina. Doon ay naghintay ako sa pagbabalik ni John. Nang biglang mayroong isang, magandang babae ang lumapit sa akin. Matanda ito sa akin kung titingnan mo. "Hello, miss! Meron ka bang hinihintay?"tanong nito sa akin. "A...ah, eh. Opo, kaibigan ko po"tugon ko. "Oh, really. Kaibigan mo? Baka naman boyfriend mo"saad nito. "Naku! Hindi 'ho"tugon ko dito. "Alam mo maganda kang bata" turan nito sa akin. Kaya naman ngumiti lamang ako dito at sumagot. "Salamat po," tugon ko. Maya maya ay agad itong meron kinuhang bagay mula sa bag niya at mabilis ito inabot sakin. Hanggang sa muli ito nagsalita. " Heto ang calling card ko."saad nito, habang inaabot ang maliit na papel mula sa akin. "Ba..bakit po ninyo ako binibigyan niyan?"tanong ko rito, agad naman ito sumagot. "Kung kailangan mo ng trabaho. Call me, bibigyan kita ng trabaho. "Maagap nitong tugon saakin. "Opo. Kailangan ko po ng trabaho ngayon. Ma'am?Ano po pala ang trabaho Maibibigay n'yo sa akin?"tanong ko. "Saka mo na alamin iha,once na tawagan mo ako sa calling card na binigay ko sayo. Tsaka lang natin pag usapan ang tungkol d'yan,"mahabang turan sa akin ng babaeng hindi ko kilala. Habang nakikinig lamang ako mula rito, hanggang sa muli ito nagsalita. "Ang kikitain mo dito iha ay malaki. Isang milyon ang makukuha mo rito,"saad nito. "Kaya naman, kailangan natin ng magandang lugar upang mapag usapan natin ng maayos ang magiging trabaho mo"mahabang dugtong pa nito. Habang ako naman, ay napa nganga lamang sa mga pinagsasabi nito. Maya-maya ay nakabalik na si Jhon. Doon ay mabilis itong nagpaalam sa akin, at umalis sa harap ko. Sandali kong pinagmasdan ang kabuuan ng babae. Habang naglalakad ito papalayo. Sexy ito medyo, nahalata ko lang na may edad ito, kumpara sakin. Ngunit maganda ito at hindi mo napaghahalataan na may edad pa pala siya sakin, kung hindi mo ito makakausap. Nakasakay ako sa motor ni John nang tanungin akop nito. "Sino y'ong kausap mo kanina?"tanong nito. "Kanina ba? Nag alok ng trabaho sa akin. Kapag gusto ko daw, tawagan ko raw s'ya agad" tugon ko. "Ano naman daw trabaho?" tanong muli ni Jhon. "Hindi niya sinabi e. Basta ang sabi n'ya. Kailangan raw mag set ng araw at lugar para mapag usapan namin tungkol dito, dahil malaki daw ang kikitain ko."doon ay agad sumabat si Jhon. "H'wag kang basta na lamang magtitiwala, Clarissa ha! Kaka kilala mo lang n'yon "aniya . "Oo naman, noh! Manilenya ako. Kaya alam ko na ang mga bagay na iyan." maagap kong tugon. Ilan oras kami bumiyahe pauwi. Kaya naman nang makauwi na kami, inihatid nadin ako ni John sa bahay. Sandali ko munang pinapasok ito sa loob ng bahay, upang makapag pahinga muna ng ilang minuto, bago ito umalis at umuwi sa kanila. Nabungaran namin ang kapatid kong si Atong, habang gising pa at nakaupo sa harap ng mesa. "Atong! Bakit gising kapa?!"tanong ko dito. "Nagising ako Ate, wala ka pa kasi,"turan nito sa akin. "Matulog ka na! Tumabi ka na kay Lea." Utos ko dito at agad ako lumapit sa gawi ni Jhon at nag salita. "Gusto mo magkape o timplahan kita ng Juice?"tanong ko ko kay John "Huwag na, nagpapahinga lang ako sandali. Maya maya ay aalis na din ako"turan ni John sa akin. Narinig kong nagsalita si Lea na ngayo'y gising na din pala. "Ate ang cute ng teddy bear! kanino ito?"tanong ni Lea. "Ah, e,binili 'yan ni Kuya John mo sa akin,"tugon ko. At muling nagsalita si Lea. "Bakit ka binilhan ni kuya John neto Ate?" tanong ulit ni Lea. Kaya naman nagkatinginan kami ni John. "Wala lang,gusto n'ya lang,"tugon ko kay Lea. Akmang magtatanong pa ulit itong si Lea, pero maagap akong nagsalita at pinagalitan ito. "Sige! Magtanong ka pa Lea! Susungal-ngalin na kita d'yan"mabilis kong sikmat rito at muli pa ako nagsalita. "Tulog na! Walang ka kwenta-kwenta ang mga tinatanong mo"dugtong ko pa. Agad naman sumabat si Jhon. "Sige na, matulog na kayo. Biglang na hayblad ang ate ninyo," saad ni Jhon habang may pilyong ngiti. Magsasalita pa na sana ako, nang may marinig kaming ingay mula sa banyo. Doon ay napatingin kami ni Jhon sa gawi ng banyo. "Lea,si Mama ba ang nasa banyo?" tanong ko. Agad naman ito sumagot. "Opo,Ate,"tugon niya. "Mabuti naman nandito na sa bahay at wala sa sugalan,"turan ko. Maya-maya ay nagbukas na ang pinto ng banyo. "Mabuti naman nandito ka ngayon sa bahay,Ma." saad ko kay Mama, habang nagtitimpla ng kape para kay John. Nang biglang pagharap ko ay tumambad sakin, ang lalaking walang saplot pang itaas at mayroong magandang katawan habang nakatapis ito ng tuwalya at basang basa ng pawis. Doon ay nanlaki ang mata ko. "Si.. sino ka?!"tanong ko. Agad din naman nagsalita ito. " Joey ang pangalan ko,paraan ako. Kukuha lang ako ng tubig."tugon nito,at kumuha ng tubig habang tinapunan ako ng malagkit na tingin. Bumaling ako ng tingin sa Mama ko na ngayon, ay kalalabas lang din ng banyo. natanto ko doon din nanggaling ang lalaking nakatapis lang ng tuwalya. Hindi makatingin sa akin si Mama habang nagpupunas ito ng bimpo sa mukha nito. Natulala ako sa kinatatayuan ko habang hawak hawak ang kape, binalingan ko si John habang nakatingin lang din pala sa gawi ko. Hanggang sa nagsalita si Mama. "Oo nga pala! Rissa,dito muna titira ang Tito Joey mo. May trabaho naman iyan, kaya sa gabi lang ito nandito sa bahay. Hindi ka na din mamo-momroblema sa pagkain dito sa bahay, dahil sagot na yan ni Tito Joey mo."mahabang saad ni Mama. Kaya naman natulala ako sa sinabi ni Mama at napansin ko si Jhon na nakaupo sa tapat ng mesa doon lumapit ako kay John at inilapat na ang kape sa harap nito, at nagsalita. "Heto,ang kape mo John."Doon inaabot ko mula sa kanya ang isang tasang kape habang mataman akong pinagmamasdan nito. Samantalang ang lalaking kanina ay humiga pa sa papag na tinutulugan ni Mama at Lea at kami ni Atong, nasa lapag lamang natutulog at naglalatag lang ng banig. Binalingan ko ito at tinapunan ng masamang tingin, habang namumula na ang mata ko dahil naiiyak ako sa kalokohan ng nanay ko, nakakahiya pa lalo dahil nakita pa ito ni John habang lumabas silang dalawa sa banyo. Pinigil ko ang sarili ko, dahil nandito pa si John sa bahay. Umupo ako sa harap nito habang naka yukong nakatingin lamang sa mesa, hanggang sa magsalita si John. "Uuwi na ba ako Riss?"tanong ni Jhon. "Oo, sige Jhonderick. Salamat kanina, ha."turan ko rito at ngumiti nang sapilitan rito. maya-maya lang bumulong sa akin si Jhon. "Magsabi ka lang sakin kapag may problema,"bulong nito sa akin at tumitig sa mga mata ko. Agad naman ako tumango rito at doon tumayo na ito at tinapunan ng tingin ang lalaki ni Mama bago tuluyang lumabas ng bahay namin. Hinatid ko pa ito sa labas ng bahay, hanggang sa makaalis na ito. At ngayo'y pumasok na ako sa loob ng bahay namin at isinara na ang pinto. Dagli akong bumaling sa Mama ko at nagsalita. "Ma! Ano 'to?! Sino 'yan?! Bakit dito yan titira?"Asik ko mula kay Mama. At nang mapansin ko ang lalaki ni Mama. Bumaling ako dito at nag salita. "Hoy! ikaw! Kaunting respeto naman , kung pwede! Dalawa kaming babae na anak ni Mama na andito sa bahay. Magsuot ka naman ng damit mo!"Singhal ko sa lalaki. "Tumahimik ka nga d'yan! Clarissa! Kung gaganyanin mo si Joey ay ikaw na lang ang lumayas dito!" singhal ni Mama sakin. Agad naman ako sumagot. "Ano! Ako ang la-layas dito. Pe..pero bakit ako?! Dapat y'ung lalaki mo Ma! Hindi ako!"galit kong singhal dito. Doon ay sinampal ako ng malakas nito sa kabilang pisngi at muli sumigaw ito. "Lumayas ka!!"sigaw sa akin ni Mama. "Lumayas ka sa Bahay na ito!" dugtong pa nito. "Ma...ma," garalgal kong saad, habang maluha-luha ang mga mata kong hawak hawak ang kabilang pisngi ko at ang mga mata'y ko nasa Mama. "Itikom mo y'ang bibig mo, Clarissa!" Kung gusto mo pa tumira dito sa bahay."galit nitong singhal sa akin. "Nakapatay na ang ilaw ng loob ng bahay namin, habang ako ay nakabalot ng kumot ang buong katawan at tahimik na nakayakap sa kapatid kong si Atong at Lea. Habang naririnig ko ang likha nila na ingay sa katre, doon ay tumulo ang luha ko. Mahal na mahal ko si Mama pero hindi ko na siya maintindihan. Hindi ko alam, hanggang kelan ko, kayang tiisin pa si Mama, pero hanggat kaya ko ay gagawin ko, dahil ayoko iwan si Mama pati na ang mga kapatid ko. Kinabukasan ng magising ako. Nakita kong masayang nag almusal sila Mama, at ang dalawa kong kapatid kasama din yung hambog na lalaki ni Mama. Bumangon ako at tumayo, agad ako nagtungo sa banyo. Doon ay naligo na ako at nagbihis, maya maya lang ay sumunod sa akin si Mama. Mabilis itong pumasok sa banyo nang makalabas ako mula sa banyo. Narinig ko ang pagsusuka nito, mula sa banyo. Kaya masama ang tingin kong bumaling sa lalaki ni Mama. Hanggang sa pumasok na sila Lea at Atong sa school. Maging ang lalaki ni Mama, ay pumasok na din daw sa trabaho nito. Wala nang ibang tao sa bahay, kundi kami na lamang ni Mama. Doon ay hindi ko maiwasan magtanong dito. "Ma, bakit ka sumusuka sa banyo? "tanong ko. "Bakit?"tanong din nito sa akin. "H'wag mong sabihing buntis ka?Ma,"saan ko sa rito. "Ano naman ngayon sayo,kung mabuntis ako!"Doon ay kumunot ang noo ko sa naging sagot ni Mama sa akin, at doon muli nagsalita. "Ibig mong Sabihin...bu...buntis ka nga, Ma!"gulat kong saad dito. "Huwag mo nga ako pinagkakausap d'yan,Clarissa!"sikmat nito sa akin doon ay na tahimik ako. Inaayos ko nalang ang mga gamit ko sa kabinet. Itinago ko sa damitan ko ang pera kong limang libo, na naibigay sa akin ng lalaking muntik na makabangga sa akin kahapon. Habang nag aayos ng damit ay nakita ko ang calling card ng babaeng nakilala ko kahapon sa Tagaytay, kaya't itinabi ko yon sa ibabaw ng damitan ko. Maya maya ay narinig kong muli ang pagsusuka ni Mama sa banyo. Sandali akong natigilan sa pag aayos ng damit ko. Sumulyap ako sa gawi ni Mama. Panigurado, Buntis nga ang Mama ko. saad ko mula sa isipan ko at nag buntong hininga. Mas lalo lamang pinahihirapan ni Mama ang sarili niya, hindi naman niya kailangan pa mag asawa pa ulit. Mabubuhay naman siya, kahit walang lalaki sa buhay niya. Nabuhay nga siyang wala si Papa sa tabi namin eh "saad ko sa isipan ko. Mabilis akong lumabas ng bahay namin, at nagsimula na maghanap ng papasukan kong trabaho nang bigla ko nasalubong si Jona. "Rissa! Ito na ang bayad ko sayo sa pag gawa mo ng assignment ko",saad nito. "Salamat!"nakangiting tugon ko. "Saan ka pupunta Rissa?" tanong ni Jona sa akin. "Mag hahanap ako ng mapapasukan kong trabaho, Jona."tugon ko. "Ganun ba,"turan ni Jona. "Oo,e. Kailangan na kase Jona,"saad ko. Nang bigla kong naalala ang babae sa Tagaytay na nag-sabing tutulungan niya ako makapag trabaho. Kaya naman agad nag paalam ako kay Jona bago kumaripas ng takbo pabalik sa bahay. Mula sa kabinet ay kinuha ko ang calling card at inilagay ko ito sa bag ko. Nakitawag ako sa telepono ng tindahan ni Aling Dina. At doon nagkita kami ng babae sa isang coffee shop, dahil dito niya gusto pumunta ako upang maghintay sa kanya. Agad ako pumasok sa isang mamahaling coffee shop at umupo ako sa bandang dulo ng lamesa, inayos ko ang sarili ko, nakasuot ako ng isang pants na itim at flat sandals at isang t shirt. Nilugay ko din ang buhok ko at nag make up ako ng manipis. Maya maya ay dumating na ang babae na nakilala ko sa Tagaytay. Ngumiti ako dito at ganoon din ito. sa akin. "Hello,mabuti naman tinawagan mo na ako,"bungad nito nang makita ako. "Tulad po ng sabi ko noon, kailangan ko po ng trabaho ngayon. Nag aaral po ang dalawa kong kapatid kaya kailangan ko po talaga ngayon ng maayos na trabaho,"mahaba kong sabi sa babae at ngumiti ang babae sakin at sumagot. "Makinig kang mabuti, mag uumpisa na akong magsalita,"saad nito at tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Isang milyon ang perang makukuha mo dito. Ibibigay ko ang kalahati agad sayo kung papayag ka na sa trabaho na ibibigay ko sayo,"mahabang turan nito habang ako naman ay nakikinig lamang dito, hanggang sa muli ito magsalita. "Akitin mo s'ya at bigyan mo siya ng isang anak at pagkatapos n'on,maari mong iwan ang bata sa kaniya. Maari mo rin kunin sa kaniya kung gusto mo. Basta bigyan mo siya ng Anak doon ay tapos na ang trabaho mo. Isusunod ko ibigay ang kabuuan ng isang milyon. Kapag natapos mo na ang trabaho mo. "Napaawang ang labi ko sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito. Sandali kaming nag katahimikan, habang minamasdan ko ang babae, maya maya ay natawa ako at sumagot sa kaniya. "Te....teka po! Anak! Mag aanak po ako!"Hindi makapaniwala na saad ko dito, habang natatawa sa pagka intindi ko. "Medyo, hindi ko po masyadong maintindihan Ma'am"dugtong ko at kumamot sa ulo. "May lalaki akong ipapa trabaho sayo. Akitin mo siya sa lalong madaling panahon. Kailangan mabuntis ka, at bibigyan mo siya ng anak,at pagkatapos nun ay iwan mo na siya, at doon tapos na ang trabaho mo sa akin. Ibibigay ko ang kabuuan ng isang milyon sa oras natapos mo na ang trabaho mo,"mahabang paliwanag ng babae sa akin. Doon ay naintindihan ko na ang mga sinabi niya. Seryoso ko itong pinasadahan ng tingin at nagsalita. "Mukhang nagkamali po kayo ng taong inalokan ng gan'yang klase ng trabaho," turan ko at akmang tatayo na pero nagsalita muli ito. "Hindi ako nagkamali ng pagpili sayo. Alam kong nasa tamang tao ako at ikaw na 'yon,"habol nitong saad at nilingon ko ito. "Hindi! Mali po kayo,hinding-hindi ko gagawin ang gan'yang klase ng trabaho,"sikmat ko mula sa babae. Bago ako tuluyan umalis at lumabas na ng coffee shop. Nagmadali ako makaalis sa coffee shop. Dahil baka hindi ako makapag pigil sa babaeng kaninang kausap ko at baka mapikon ako dito, at doon kalad karin ko ang babae palabas ng coffee shop, at dalhin ito sa presinto, dahil sa klase ng trabahong inaalok nito sa akin. Babayaran niya ako. Para bigyan ng anak, sa lalaking hindi ko naman kilala. Kahit konti nga ay wala pa ako karanasan sa pakikipagrelasyon, tapos pag aanak agad ang pinagkakaabalahan ko. Hibang na siya! saad ko mula sa isipan ko. Natapos ang buong araw ko sa paghahanap ng mapapasukan kong trabaho. Kasalukuyan ako naglalakad pauwe sa bahay namin, nang tawagin ako ni Jona habang nakasakay ito ng sasakyan nito, at mula sa bintana niya ay dumungaw ito at nagsalita. "Clarissa!"tawag nito sa pangalan ko, at nang lumingon ako ay napangiti ako nang makita ito. "Pumunta ka sa bahay ngayon! Hihintayin kita!"saad nito. "Huh! Ba..bakit Jona?"nagtatakang tanong ko rito. "Meron Celebration's sa bahay. Hihintayin kita. Magpunta ka,ha!"Turan nito. "Bye! See you!" dugtong pa nito. Agad isinara nito ang bintana mula sa sasakyan nito, at dahan dahan nang nagsimulang makaalis sa harap ko ang sasakyan nila Jona.Mabuti pa sila, pa celebration-celebration na lang. Habang ako hindi magkandaugaga kakahanap ng trabaho, ang swerte nga naman, Saad ko sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD