CLARISSA POV. Kinabukasan ay maagang umalis si Zact, mayroon lamang raw itong bagay na aasikasuhin. Naiwan kami ng mga kapatid ko sa bahay at nang maihatid sa school sina Atong at Lea agad ako nagtungo kung saan naroon si Jhon. Bitbit ang ilang prutas at pagkain dinalaw ko si Jhon, nang makita ko ito ay bakas ang depress nito base sa pigura ng mukha. Nakatitig lamang ito sa akin at mahina ako nagsalita. "Kamusta ka na, ma-may mga dala ako sayong mga pag kain," wika ko rito. "Bakit ka nandito?" saad nito at tila hindi nasisiyahan na makita ako. "Nagpunta ang Mama mo sa bahay kahapon, sinabi niyang nakulong ka kaya nandito ako," nag aalala na saad ko. "Hindi kita kailangan, umalis ka na," saad ni Jhon at agad tumayo sa harap ng mesa. "Jhon!" tawag ko rito at nilingon ako nito. "I

