CLARISSA POV.
Nang maka alis sa restaurant ay agad kami sinakay ni Ani sa dala nitong sasakyan. Nakita ko rin sa loob ng sasakyan ang maraming paper sa back seat. Binalingan ko naman ng tingin ang babaeng si Ani na ngayon nasa daan ang atensyon.
"Ate, busog na busog ako! Mauulit pa ba 'yon?"malakas na saad nito Atong. Napatingin si Ani at ngumuti.
"Pasensya na,"nangingiwi kong saad.
"Hindi, okay lang 'yan"turan ni Ani.
"Sasusunod ipapasyal ko naman kayo, sasakay tayo ng rides at kakain ulit tayo sa mamahaling restaurant,"baling ni Ani kay Atong.
Nang makarating sa isang mataas na building ay agad pinasok ang sasakyan sa parking lot. Sabay-sabay kaming bumaba at tinulungan ko si Ani sa mga bit-bit nitong mga paper bag. Sumakay ng elevator at dinala sa mataas na palapag, huminto kami sa isang pinto at binuksan iyon ni Ani. Doon tummambad sa amin ang malawak at magandang unit. Nang makapasok naman kami sa loob ay napanga-nga kami ng mga kapatid sa ganda ng loob. Para kaming nasa bahay nila Jhon kung maipag kukumpara. Bumaling sa mga kapatid ko si Ani at inaabot sakanila ang apat na paper bag,
"Heto, sa inyo 'yan. Suotin n'yo na, pero maligo muna kayo,ha,"nakangiting baling ni Ani sa dalawa kong kapatid.
Maya-maya nalipat naman ang tingin sa akin ni Ani. Binuksan ang isang malaking paper bag at kinuha ang isang bistida na maikli, itinapat nito sa katawan ko at nagsalita.
"Saktong-sakto sayo, Rita!"sambit nito.
"Rissa po, hindi Rita,"wika ko rito.
" Este! Rissa pala!"Bawing saad nito.
Maligo ka na din at isuot mo 'yan, aayusan rin kita ngayon. I'll make you beutiful in this night at sigurado akong ikaw lang ang mapapansin n'ya, mahabang wika pa ni Ani.
"Sino?"tanong ko
"Si, Sir Zact. Ang lalaking dapat mong bigyan ng anak,"turan ni Ani. Natahimik ako bago muli nagsalita
"A...ano ba ang gagawin ko,"nauutal na tanong ko.
"E'to, makinig ka ng maigi sa akin. First, hindi n'ya alam ang tungkol dito. Hindi n'ya alam na kailangan mo lang mag ka anak sa kan'ya at hindi mo pwede ipaalam. Magpa-panggap kang natural sa kan'ya, akitin mo s'ya hanggang sa may mangyari sa inyong dalawa. Not once not twice, gawin mo hanggang sa mabuntis ka n'ya"Paliwanag ni Ani.
"Ha!! Ano?"gulat kong sambit.
"Oh, s'ya maligo ka na, para maayusan na kita"Akmang aalis na sa harap ko ngunit agad ako nag salita.
"Paano kung..? Paano kung ayaw n'ya sa akin. Paano ko 'yun mapipilit na mag...? Alam mo na 'yun"mahina kong saad, napangiti lamang sa akin at patalikod na nag salita.
"Hindi ka pipiliin ni Madam, kung hindi
ka magugustuhan ni Sir Zact,"turan nito.
Nag buntong hininga ako bago nagsimula na tunguin ang banyo. Habang naliligo, naalala ko si Jhon,
naalala ko ang mga pangyayaring nahuli ko s'ya nakikipagtalik kay Jona.
Kaya naman tinitigan ko sa salamin
ang sarili ko. Ngayon ay ibibigay ko sa iba ang sarili ko sa taong hindi ko naman kilala, samantalang si Jhon ay tinanggihan ko tungkol sa bagay na ito, at alam kong ito din ang naging dahilan n'ya para lokohin ako at ni Jona. Pero hindi sapat na rason ni Jhon ang bagay na iyon para minuto lamang ang pagitan para mabilis n'ya ako pakita. Kung totoong mahal n'ya ako magagalit s'ya pero hindi n'ya ako lolokohin o ipagpaalit sa ibang babae. Pero ginawa n'ya. Matapos ng pangyayaring iyon hindi na s'ya nag paramdam. Alam n'ya ang kalagayan ko dahil may sakit ang Mama ko, pero mas pinili n'yang iwan ako sa gitna ng problema ko. Ayos lang, 'wala na akong magagawa dahil nangyari na ang lahat. Hindi ko na iyon maibabalik pa kahit pa malaki na ang naitulong saakin ni John Derick. Pero 'wala na, tapos na ang lahat sa amin. Niloko na din n'ya ako sinabi pa ng Mommy n'ya na si Jona na ang girlfriend nito, kaya kailangan ko na lang mag move on at gawin ang bagay na ito para sa Mama ko, para mabuhay pa ang Mama ko. Gagawin ko ang lahat alang-ala sa Mama ko, isasangla ko kay Amanda ang kaluluwa ko madugtungan ko lang ang buhay ng Mama ko. Mahal na mahal ko ang Mama ko, kahit sinong anak hindi kayang panuorin na lamang mamatay sa harap nila ang babaeng nagluwal at nag palaki sa kanila.
Nang matapos makaligo ay nakasuot ako ng bathrobe at nakaupo sa tapat ng salamin habang inaayusan ako ni Ani.
Kinukulot nito ang buhok ko na hindi naman talaga kulot, nilagyan din ako nito ng make up at sinuotan ng mga alahas, kwintas at kumikinang na hikaw. Pagkatapos ay pinasuot naman nito ang mamahaling dress, hapit ito sa katawan ko na ang haba ay hanggang hita ko lamang. Sleeveless strap lang ito kaya kita ang mapuputi kong dib-dib at balikat, maya-maya, sinunod naman n'ya ang heels at pinasuot sa akin.
"I'm done!"masayang saad ni Ani.
"Mas lalo kang gumanda, Rissa,"dugtong pa nito.
"Hindi ako marunong gumamit nito,Ani,"wika ko habang ang tinutukoy ang heels.
"Kaya mo 'yan, lakad, bilis! Mag practice ka na, dahil kanina pa andoon sa bar si Sir Zact kailangan makita ka na n'ya,"mahabang turan ni Ani na parang siguradong magugustuhan agad ako ng Zact na sinasabi nito.
"A...ano bang gagawin ko? Ani,"tanong ko.
"Magpapansin ka sa kan'ya, magpakilala ka. Kunin mo ang loob n'ya hanggang sa may mangyari na sa inyo at mabuntis ka agad,"mahabang saad ni Ani habang nakauwang ang labi kong nakikinig rito.
"E',teka. Ano pala ang plano mo sa batang sinapupunan mo kapag nagkataon, may tatlong option ka. Pwede mo kunin, pwede mo rin ibigay kay Sir Zact. Pwede mo rin ibigay kay Ma'am Amanda,"mahaba pang dugtong nito.
"A...anak agad?!!"gulat kong sambit.
"Tsaka, teka Ani. Hindi naman tuta ang magiging anak ko para ipasa ko sa iba o sinong ponsyopelato,"mahabang saad ko.
"Basta kailangan ka n'ya mabuntis, Clarissa. Kailangan masimulan mo na ang trabaho mo dahil kung hindi baka mag ka problema tayo kay Madam,"mahabang wika ni Ani at natahimik ako.
Ilan oras ako nagpalakad-lakad, ang mga kapatid ko naman ay nakanga-ngang pinapanood ako. Nag balik-balik ako sa paglalakad at paikot-ikot sa loob nf kwarto.
"Ano?! Kaya mo na ba, kailangan na natin umalis"wika ni Ani.
"Me...medyo, kaya ko na"saad ko kay Ani.
"Oh, tara na!"turan nito at bumaling sa mga kapatid ko.
"Dito lang kayo, ha. Babalik din kami ng Ate mo, saglit lang kami doon, matulog kayo o kumain. May mga pagkain sa kusina at fridge. Hanapin n'yo lang kung ano ang gusto n'yo roon.
"Opo,"turan ni Lea at Atong.
Maya-maya ay lumakad na kami pababa ng unit, sumakay sa van habang hindi pa rin ganun kagaling magdala ng mataas na tanong. Nasa tapat kami ng isang magandang bar hinila ako papasok ni Ani at naghanap kami ng mesa para doon maupo. Ang daming tao at medyo madilim ang ilaw at maraming nagsasayawan sa gitna ng stage nilibot ko pa ang mga mata ko pero agad ako binalingan ni Ani at nagsalita ito
"Risa! Tumingin ka sa dulo naka-upong lalaki na nakasuot ng itim na long-sleeved, itim ang buhok n'ya"baling ni Ani sa akin. Agad ko hinanap gamit ang mga mata ko ang lalaking tinutukoy n'ya.
"Nakita ko na!"mabilis kong turan kay Ani.
"Ano pa hinihintay mo?! Lumakad ka na sa harapan n'ya at magpakilala! At 'wag mo kalilimutan umastang hibang na hibang ka sa kaniya Rissa,ha! Galingan mo Riss!"mahabang wika ni Ani habang tinataboy ako palayo sa kaniya.
Dahan dahan ako lumapit, papunta sa kinaroroonan nito, pero nabigla nang hinarangan ako ng lalaki at nagsalita.
"Hello..baby girl"wika nito sa akin.
Mayroong sumunod pa sa likuran nito na dalawang lalaki na ngayo'y nasa harap ko.
"Excuse me,"mahina kong Sambit sa mga ito. Akmang iiwas na ngunit muli ako hinarang ng lalaki.
"Are you lost baby girl"saad nito at nagtawanan ang tatlong lalaki na nasa harap ko. Napangisi ako, mukhang pinagtitripan ako ng tatlo na 'to,ah.
"Baka naman pwede paraanin ninyo ako"mariin at taas kilay kong turan. Ngunit nagtawanan lamng ang ito. Lumapit naman ang nasa unahan na lalaki sa'kin, pinasadahan ako ng tingin at nagbago ang reaksyon ng mukha nito.
Nawala ang pagtawa at napalitan ng pagkaseryoso ng mukha nitong bumaling sa akin.
"Join me, baby"Sabay haplos nito sa braso ko. Lumapit pa ito ng husto sa akin sa akin at habang malapot ang tingin. Doon sandali ngumisi at malakas ko ito sinampal sa pisngi.
"Join me mo muka mo! Tabi d'yan!"asik ko rito sabay tabig sa lalaki sa harapan ko. Ngunit nagulat nang 'wala na sa pwesto ang kaninang lalaki na si Zact, hinanap ko ito ng mga mata ko pero hindi ko na makita. Mabilis ko binalikan si Ani na nakaupo lang sa tapat ng lamesa.
"Ani! Nasaan s'ya? Nawala na sa pwesto n'ya kanina"saad ko agad kay Ani.
"Babalik na ako sa unit Rissa, para may kasama ang mga kapatid mo sa unit"wika nito.
"Te...teka! Iiwan mo ako rito?"mabilis kong turan.
"Kaya mo 'yan! Basta 'wag mo kalimutan ang mga sinabi kong dapat mong gawin Rissa. Akitin mo s'ya, inumin mo na din itong mga alak na nasa mesa, para naman lumakas ang loob mo"Pag papaalala sa akin nito.
"Te...teka! Sandali Ani, hindi ko na s'ya makita at paano kung 'wala s'ya rito"habol kong saad.
"Hinawakan ni Ani ang likuran ng ulo ko at hinila papalapit sa kan'ya, bumulong ito sa tenga ko.
"Andito s'ya, Rissa. Pinagmamasdan ka n'ya"bulong ni Ani.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nauutal na nagsalita, pi....nagmamasdan n'ya ako? Pe..ro bakit? Tanong ko sa isipan. Hanggang sa iniwan na ako mag isa ni Ani sa kabuan ng bar at tuluyan.
Inikot ko ang tingin ko sa kabuan ng bar na baka makita ko ulit ang lalaking si Zact, pero teka? Hindi ko pa naman nakilala ang mukha ng lalaking iyon. Paano ko mahahanap 'yun? Doon nasapo ko ang ulo ko, tanga ka rissa! Inis na sambit ko sa isipan. Sana kahit picture nanghingi ako kay Ani, paano ko makilala 'yon! E' naka side view 'yon kanina nang ituro ni Ani sa akin. Basta tandaan ko na lang ang suot n'yang damit,.ilang sandali binalingan ko ang nasa mesang nakapatong na alak.
Dinampot at ininom iyon, naka ilang lagok na ako ng alak pero hindi ko pa rin s'ya makita, nang makaisip ako ng paraan para makita ang lahat ng tao sa kabuan ng bar. Binalingan ko ng tingin sa stage ang maraming sumasayaw, iyon ang paraan para mabilis ko s'ya mahahanap at makita kung sino ang mga taong nakasuot ng itim na long-sleeve. kaya naman lumagok muna ako bago ako umalis sa mesa at umakyat sa tatlong baytang ng hagdan paakyat sa stage. Pumuwesto ako sa bungad habang nakatanaw sa dami ng taong nakaupo, sinimulan ko ito pagmasdan isa-isa, Maya-maya lang ay sumabay na rin ako ng sayaw sa mga katabi kong nagsasayawan. Narinig kong nag simula na tumugtug, kasabayan ng malakas na sound sa kabuan ng bar.
THUMS UP BY: MOMOLAND
Nag simula kong ginalaw ang mga kamay ko dahil alam ko kung pano ko ito sasayawin, nahihiya ako sa pag indak dahil napakaraming nanonood.
Ngunit maya-maya ay napansin ko na ang sarili ko na nag eenjoy na ako. at Napatingin sa mga katabi ko nang lumayo ang mga katabi ko na kanina sumasayaw lamang malapit sa akin.
Pinalibutan nila ako na parang tuwang-tuwa sila sa akin sa paraan ng pag sayaw ko. Nilapitan naman ako ng isang babae at sinabayan akong sumayaw. Doon ay enjoy na enjoy ako at nakalimutan ko na ang dapat kong gawin sa bar na iyon.
Hanggang sa matapos na ang tugtog at hindi na ako muling sumayaw pa. Bumalik ako sa mesa ko at uminom ulit ng alak na nasa mesa. Naalala ko ang Mama ko, salamat sa d'yos at maayos na ang kalagayan n'ya ngayon.
Naasa maayos na ospital na s'ya at ginagamot ng tingin ko ay magagaling na mga doktor sa mga oras na to. Malayo ang tingin ko habang inaala ko ang Mama ko, hindi ko mawari ang nararamdaman ko habang iniisip na kanina lang ay halos mabaliw ako dahil hindi ko alam ang gagawin at sino ang hihingiam ko ng tulong. Naluluha akong tipid napangiti. Sadyang nga mahabagin ang d'yos, marahil nahihirapan ka pero hindi ka n'ya basta na lamang pababayaan.
Maya-maya ay muli lumagok ng bote at Naagaw ng pansin ko ang lalaking nakatitig sa kinaroroonan a
Ko. Napa kunot noo ako at tumaas ang isang kilay. Makatitig naman itong lalaki na 'to, pero infairness...ang gwapo n'ya. Sambit ko sa isipan ngunit habang binabawian ng pagtitig rito ay natigilan ako. Pa...rang pamilyar sa akin ang lalaki na 'to,wika ko sa isipan.
"Oo! Tama! S'ya nga 'yon, 'iyong lalaking muntik na makabangga sa akin noon sa tapat ng bahay nina Jona, inalis ko ang tingin ko rito at ibinaling na lamang sa sa bote ng alak. Maya-maya lang ay binalikan ko ng tingin ang lalaki. Pinagmamasdan ko itong maigi sa di'kalayuan, nakasuot ito ng long-sleeve na kulay itim at muli ako natigilan at nabitawan ang hawak na bote ng alak. Nabitawan ang bote ng alak at gumulong pababa sa sahig, mabilis lumapit ang waiter at winalis ito. Ngunit nanlalaki ang mga mata kong nakatitig pa rin sa lalaki. Ito ang rin ang lalaking tinuro ni Ani sa akin kanina, sigurado akong ito iyon.