CLARISSA POV. Nang makarating sa unit ay mabilis ako nagtungo sa sala. Umupo at sumandal sa sofa habang bakas ang luha sa mga mata ko. Masakit ang mga binitawan na salita ni Jhonderick sa akin, at ang mas masakit pa roon ay galing sa kaniya ang lahat ng iyon. Paano kung malaman niya pa na 'wala na naman kaming relasyon ni Zact, baka higit pa roon ang masakit na salitang marinig ko rito, at doon muling lumandas ang luha ko sa mga mata ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko mula sa bulsa ng pantalon na suot, kinuha ko ito at sinagot ang tawag sa linya. "Hello," garalgar sa pag iyak kong bungad sa linya. "Hello, Clarissa. Kamusta kayo diyan. Matatagalan pa ako rito dahil pumanaw na ng Lola ko. Sorry, Clarissa pero tatawag ako parati sayo huwag ka mag alala," mahabang w

