Halos mangatog siya sa matinding kabang nararamdaman dahil sa pagpuslit nila ni Drake kanina, natatakot siya para sa lalaki dahil baka makahalata si Sebastian. Kailangan na nitong umalis sa bahay na yun pero parang wala pa itong balak umuwi dahil nag inuman pa ang mga ito sa sala habang nagkukwentuhan. Yun ang nabungaran niya pag labas niya ng kitchen dahil pinakuha siya ng yelo ni Sebastian. Nakita pa niya sa gilid ng mata niyang nakatanaw sa kanya si Drake but she avoided to meet his gaze. "Ahmm Sebastian, I want to invite you with your wife in one of my Island in Palawan for a vacation or maybe another honeymoon? What do you think?" Narinig niyang saad ni Drake kay Sebastian at biglang nanlamig ang katawan niya sa sinabi nito,. Ano bang balak nito at yayain pa silang magbakasyon ng

