MJ's pov Maaga pa lang umalis na ako sa bahay dahil pinatawag ako ni lolo. Nasa harap lang ako ng office nya hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Minsan lang kasi akong ipatawag ni lolo sa office niya, pag importante lang ang kailangan niya. Kumatok muna ako bago ko binuksan pinto. Bumungad si lolo sa akin na nakaupo at nakatingin sakin. "Goodmorning Mj,maupo ka." Ang gwapo ni lolo kahit matanda na. Kalabaw lang ang tumatanda. Haha "Goodmorning din po pinakagwapo kong lolo, pinakamabait na lolo at pinaka mahal kong lolo." sabi ko na natatawa pa. hahaha "Ahy naku MJ tigilan mo ako, ako lang ang nag-iisang lolo mo. Kahit kailan talaga katulad mo si DJ." sabi nya na nakangiti. "Pero Lolo ang gwapo mo talaga parang edward ng twilight haha di tumatanda." Natatawang sabi ko "Haha o

