Her decision
MJ's pov
"Mhie nameet ko po shannie when i was with tita AM." sabi ng anak ko habang pinapatulog ko sya. Alam ko na kaya.
"Ah siya lang baby? Si Ivan yung twin nya?" tanong ko habang hinahaplos yung buhok nya.
"Si shannie lang, mhiee. She's with her daddy, with tito Gavin." himala di niya kasama ang masungit na batang yun.
"Mhiee, naiinggit po ako kay Shannie." kinandong ko sya.
"Why naman?"sabi ko at tinignan sya sa mata.
"Kasi po mhie may daddy sya, tito Gavin is taking care of her and he even call Shannie his princess." Takte alam ko na patutunguhan nito ah.
"Princess naman kita dito, kita mo anjan din si tita DJ mo at tita AM Ikaw ang princess ng house e." sabi ko na lang.
"Mhie I love you po, pero gusto kong maranasan magkaroon ng daddy kagaya po ni Shannie. Nung nakita ko po na binuhat ni tito Gavin si Shannie, nainggit po ako mhie kasi gusto ko din pong mabuhat ng daddy ko. Nakita ako ni tito na nakatingin sakanila at Alam mo mhie sabi ni tito Gavin I can call her daddy too, kaya umiyak ako sakanya nun. " sabi ng anak ko na ngayon ay nakatingin lang sakin. Di ako nagsasalita dahil di ko alam ang sasabihin ko. "Mhie sabi mo po nagwowork sa malayo si daddy para may pera para sa akin. Pauwiin mo na sya mommy, madami na tayong pera diba, share mo na lang sya."
"Kasi baby si daddy mo, ano kasi. Kulang pa ang pera nya para makauwi tapos ayaw niya naman tanggapin ang pera na ibibigay ko sabi nya, sya na daw ang bahala." ang hirap magsinungaling tang inang sperm yan bakit ba kasi di ako hinanap kala ko parang w*****d hahanapin ng lalaki ang babae pagkatapos ng gabi. Pero sya inabot ng ilang taon kaya ayoko na dun. nyeta nya.
"O kaya ayaw ako ng daddy ko mhie kaya di nya ako dinadalaw kasi hindi nya po ako mahal." umiiyak na tumingin sakin si Jewel.
"Mahal ka nun baby, Mahal na mahal din kita."
"'kasi mhie kung mahal nya ako dapat nandito sya, dapat mhie kasama natin sya." sabi nya, pinunasan ko ang mata nya.
"Tulog na baby ko, bukas mamamasyal tayo. Soon baby dadating si daddy" pwede ko naman siguro siyang lapitan at sabihin na nag ka anak kami diba?
"Goodnight po, mhie."
"Goodnight my Jewel."
"Oh bakit gising ka pa?" sabi ko kay AM na papalapit sakin dito sa pool area. Dito aki dumeretcho pagkatapos kung patulugin ang anak ko.
"May gustong makakuha ng information mo at gusto ni lolo ikaw ang magdecide kung papasukin ko sya o hindi sa system." sabi nya na nakatingin sakin.
"ahhhh AM sya yung ama ni MJ di ba?" tanong ko sakanya habang nakatingin sa kawalan.
"Based on the IP address, yes sakanya nakapangalan." sagot nya.
"Ah alam mo bang nagkita kami AM pero tinakbuhan ko lang sya." nakikinig lang sya sakin. "Kala ko sapat na ako sa anak ko pero hinahanap pa rin nya ang ama nya. Ginawa ko lahat e para iparamdam sakanya na mahal na mahal ko sya, pero di pala sapat nuh dahil kahit anong gawin ko, may kulang pa rin. Nagkulang ba ako AM sa pagiging ina nya?" tanong ko na nakatingin lang sa kawalan.
"Ginawa mo na lahat MJ sadyang kailangan ng anak mo ng ama." sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo yung ngingiti ngiti lang ako at tatawa pero nasasaktan din ako. Nasasaktan ako pag nakikita ko si Jewel na nakatingin sa mga kompletong pamilya habang namamasyal kami. Nasasaktan ako kasi di ko maibigay ang kompletong pamilya na gusto nya. Tapos alam mo, nag open up sakin si Jewel na na-iinggit daw sya kay Shannie nung nakita nyang binuhat ito ni Gavin, gusto din daw nyang maranasan yun. " patuloy ang pagtulo ng luha ko habang nagsasalita. "Pagod na akong magsinungaling AM na babalik pa ang daddy nya dahil walang kasiguraduhan yun. Pagod na akong ipakitang di ako apektado kasi sa totoo lang sinisisi ko ang sarili ko kong bakit nakakaramdam ng inggit ang anak ko. Hindi kasi ako kasing lakas ni bunso na nakaya niya mag isa. Ako tinulungan na ni lolo pero ito oh kulang pa rin, umiiyak pa rin." sabi ko at niyakap si AM.
"Di ka mahina MJ,ang lakas mo nga at nakayanan mong palakihin ng tama si Jewel. Hayaan natin makapasok sya sa buhay nyo, malay mo sya pala ang ko-kompleto sayo at sa anak mo." sabi ni AM at di ko na sinagot.
Sana -sana maging okay ang lahat . Kahit ang anak ko lang.
--
MGC's pov
I'm at my office at nasa harap ko ngayon ang mag-asawang Veñigo.
"Ano pong kailangan nyo sa amin mr. Clemente?" sabi ng lalaking Veñigo.
"Kayo ang magulang ni Tyrone Zion di ba?" Tanong ko.
"Opo, may nagawa po ba syang kasalanan sa inyo?" magalang na sabi ng babae.
"No. Under my custody ang isang naka one night stand ng anak nyo." tuloy tuloy kong sabi na nagpalaki ng mata ng mag asawa.
"Pa---"
"Huwag kaying sasagot pag hindi ko pa sinasabi. Hayaan nyo akong matapos." sabi ko at napatango naman sila. Kilala at sikat sa lipunan ang dalawang nasa harap ko kaya lang mas mataas ako at ginagalang ng lahat.
"Nagbunga ang isang gabing yun, ang pangalan ng bata ay si JEWEL HELLIS, 5 years old. " kita ko sa kanila ang pagkabigla pero wala akong paki. Alam kong kasalanan ko at hinarangan ko ang anak nila pero di ko papayagang isama nya si MJ sa mga kinakama nya.
"Alam kong wala kayong kinalaman sa nangyari kaya pinapayagan ko kayong makita at makasama siya ngayon. Ang pangalan ng ina ni Jewel ay si May Jhezhel Helliz pwede nyo syang dalawin jan pag...... natsempuhan nyo." sabi ko at binigay ang address ng shop ni MJ. "At wala kayong sasabihin sa anak nyo, hayaan nyo syang matuklasan na may anak pala sya. He is an agent di ba bakit kaya di nya nalamang may anak sya? Ganun ba sya ka busy sa mga ikinakama nya?" sabi ko dahil hanggang ngayon di ko makalimutan ang gabing kakausapin ko sana sya para sabihing buntis si MJ pero nakita ko sya sa bar na nakikipaghalikan at sabay aalis. Alam ko ang mga ganun.
"Ako na po ang humihingi ng tawad mr. Clemente at salamat dahil sinabi nyong may apo na kami dahil sabik na sabik na akong magka apo." sabi ng babaeng Veñigo.
"Treat them right dahil hindi ako mangingiming ibagsak kayo pag nasaktan ang dalawa. Kaya ko din syang ilayo sa inyo kung gugustuhin ko." Banta ko sakanila.
"Makaka asa po kayo." sabi ng lalaking Veñigo.
Sapat na siguro ang ilang taon na ako ang humawak ng buhay nyong mag ina MJ. Hahayaan kita sa decision mo ngayon pero pag nakita kong nasaktan na ang anak mo dahil sa decision mo, wala akong magagawa kundi mangi alam.
.........