Naging matiwasay naman ang araw ko buong umaga. Hindi ko nakita si Nixon sa mansion. Mukhang may pinagkaka-abalahan na naman iyon. And when I say “pinagkaka-abalahan”, alam kong mga babae na naman. Doon umiikot ang kanyang mundo, eh. Tch. “Alam ko ang ginawa mo,” bulong sa’kin ni Tanya, ang pangalan ng roommate ko. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi at pumunta sa kanyang harapan. Nasa sala kami ngayon, nagwawalis siya habang ako naman ay nagmo-mop sa sahig. “Nakita kita kagabi, mabuti naman at hindi ka nahuli?” she smirked. Nag-aalala ko siyang tinignan dahil alam kong isang salita niya lang sa ibang mga katulong ay para itong bayrus na mabilis kung kumalat. “Shh! Please, can you make it a secret for me, Tanya? Please?” “Sige na…” pagpipilit ko pa sa kanya at nanliit lang an

