Napangisi si Nixon sa sinabi ko at ako naman ay nahihiya dahil doon ko lang napagtanto kung ano yung sinabi kanina. What the hell? Bakit ko nga ba naibulalas iyun? Parang patay na patay naman ata ako sa kaniya nung sinabi ko ang salitang “gwapo mo.” I cleared my throat. “Kita mo din yun?” turo ko sa isang lalaking naka black suit din kagaya niya, “gwapo din siya. Gwapo kayong lahat na nandito. Yung isa din, oh,” patuloy lang ako sa pagtuturo ng mga lalaki at ang mga mata ko na ngayon ay nawala na sa kaniya. But I could feel the heat and intense gaze of him at me. Hinapit ni Nixon ang bewang ko upang mas lalong idiin ang katawan sa kaniya. “Don’t look at them. Look at me,” utos niya at napatingin na ako sa kaniyang mga mata. Nawala ang ngisi sa labi ko nang seryoso niya akong tinign

