DSECRET 24 Mabilis na lumipas ang oras namin sa Romblon. Pagtapos nang contest na ‘yon ay wala kaming ibang ginawa kundi ang magbabad sa araw, tubig at subukan ang kung ano-ano ang mga dinarayo sa lugar na ‘yon. Sa pagkakataon na ‘yon ay mas lalo ko pa silang nakilala, may pagka-weird sila minsan, iba-iba ang personality at lahat sila ay nag-aadjust sa bagay na ‘yon. Isa sa mga naging dahilan kung bakit na papansin ko ay konnektado silang lahat. Mula sa tunay na ugali at mga ginagamit na instrumento sa pagtugtog. Dahil lahat sila ay parang magkakapatid na kahit anong gawin ay hindi mababago na iisang dugo ang dumadaloy sa mga ugat. “Wala ka na bang na iwan na gamit dyan?” tanong ni Dine habang nakasilip mula sa pinto ng banyo. “Wala na,” sagot ko sa kanya bago huling beses na sumulyap

