DSECRET 32 “Bilisan mo na ang kumain dyan, Dine. Malapit na mag-umpisa ang contest, hindi pa natin napupuntahan sila Cholo.” Hindi mapakali na sabi ni Denise. Ilang minuto nalang ay mag-uumpisa na ang secondary contest, ang mga fans ay pinapapasok na din sa loob ng stadium at inaayos na nang mga organizer ang ibang mga kailangan. “Ito na! ito na!” ani Dine habang ang kanyang bibig ay punong-puno ng pagkain. Nang isubo ni Dine ang huling pagkain sa paper plate niya ay agad siyang binigyan ni Denise ng tubig. Kinuha niya ‘yon at nilagok. Nagmamadali na din siya at hindi niya akalain na matatagalan sila sa dressing room ng Renibwe’s. Pinilit kasi ng manager ng mga ‘to na ubusin ang natitirang pagkain sa mga bilao. Dahil sa nahihiya naman tanggihan ni Dine ‘yon ay pinilit niya ‘tong ubusin

