DSECRET 40: HAPPY ENDING? Tahimik ang buong lugar habang ang mga katulong ay matyagang naglilinis sa bawat parte ng bahay. Nakalagay sa dingding ang malaking larawan nilang magkapatid at ang iilan naman ay nakadisplay sa taas ng ibang mga gamit. Nakayukong bumaba ng hagdan si Miguel. Nakasuot ‘to ng puting longsleeve at natatakpan ng itim na shades ang kanyang mga mata. Ayaw niya na makita ng iba na nagdurusa siya dahil sa nangyari, at kahit anong sabihin ng iba na hindi ‘to ang may kasalanan ay hindi nito mapigilan na sisihin ang kanyang sarili sa nangyari. Nasira ng ina niya ang isang pamilya at nasira naman niya ang pagsasamahan ng mag-ina. Pakiramdam niya ay wala nang ginawang maayos ang lahat ng ginagawa niya. At hindi niya alam kung ano pa ang ipapaliwanag niya sa iba kung sakalin

