DSECRET 36 Malakas ang simoy ng hangin sa buong lugar habang ang langit ay nag-uumpisa ng dumilim at, ang mga tao ay nasa kanikanilang mga kwarto na bago pa man bumuhos ang malakas na ulan sa buong paligid. Mabilis na lumipas ang oras para kay Denise. Isang lingo na din ang nakalipas nang mag-umpisa ‘tong magtago at iwan ang katotohanan. Ngayon, ay kailangan niya nang harapin ang problema. Handa na siyang harapin si Cholo sa oras na nakauwi na ‘to sa kanila. At buo na din ang desisyon niya sa pagkakataon na ‘to. “Andyan na sila sa labas ng kwarto. Tara na, Denise.” Pag-aaya ni Dine sa kaibigan. Tumango siya dito bago kinuha ang isang bag kung saan nakalagay ang lahat ng gamit niya ng pumunta sila dito. At gano’n din si Dine na hawak ang laptop niya sa kanang kamay nito. Muli niyang ni

