Kasalukuyan silang nagtitipon-tipong magkakaibigan sa bahay ni Xandrie ng gabing iyon. Galing ang magkasintahan sa bahay ng mga Chi, at hindi maganda ang kinalabasan ng pagpunta nila doon. Ayon sa mga ito, tutol ang lolo ni Brix sa pakikipagrelasyon nito sa kaibigan. Kaya naman ngayon ay inaaliw nila ito. Kinaumagahan, nadatnan na nila ang mga kaibigan na nakadulog sa hapag-kainan. Agad na din silang pumwesto sa kani-kaniyang upuan, at nagumpisang kumain. Maya-maya pa ay narinig nilang nagpapaalam si Brix sa kasintahan. “Baby, baka hindi ako makapunta mamaya ha. May catering kasi kami mamayang gabi. Pero tatawagan naman kita,” paalam ni Brix kay Xandrie habang kumakain. “It’s okay. Basta ‘wag mo akong kalimutang tawagan para alam ko kung okay ka lang,” malambing na sagot naman ng kaibi

