Chapter 12
Ang sinag ng araw na dumadapo sa wall glass hanggang sa maamong mukha ni elise ang nagpamulat sa kanya kaya dahan dahan itong umupo sa kama at napatingin ito sa wall glass at nakita niya ang magandang tanawin ng mga puno sa labas kaya't napag desisyonan niyang lumabas na sa kwarto at tumungo sa may bandang pool dahil tanaw mula roon ang mga magagandang tanawin.
Pagkalabas ng pintuan ni elise patungo sa may pool napangiti ito ng malawak at dahan dahan na lumapit sa pool at masaya niyang pinagmamasdan ang mga napakaraming puno sa labas at ang napaka gandang isla.
Tumungo agad si angelo sa kanyang kwarto ng maka uwi na ito sa kanyang bahay dahil maaga itong umalis kanina kaya't pagod itong nakarating sa kanyang kwarto.
Maingat na ibinaba ang bagpack na kanyang dala at umupo na ito sa sofa na nasa tapat ng wall glass ng kanyang kwarto at napabaling ang kanyang tingin sa pool dahil sa kanyang nakita kaya't lumabas ito ng kanyang kwarto.
Tumungo si angelo sa terrace sa labas ng kanyang kwarto upang pagmasdan niya ang babaeng nakatayo malapit sa pool habang pinagmamasdan ang kapaligiran sa labas.
Biglang bumagal ang takbo ng oras para kay angelo habang pinagmamasdan niya ang naka ngiting dalaga at dahan dahan naman itong napalingon sa kanyang kinaroroonan kaya't mas lalong bumagal ang pagtakbo ng kanyang oras dahil sa kanyang nakikitang nakakasilaw na maamo at magandang mukha ni elise sa kanyang paningin.
Pagkakita ni elise sa naka tayong si angelo na nasa terrace na seryosong naka tingin sa kanyang kinaroroonan bigla itong nakaramdam ng hiya at yumuko bilang pag bati sa kanya.
Bumaba na ng kwarto si angelo kaya pumasok na si elise sa living room at nahihiyang inabangan niya ang pagbaba ni angelo na seryoso ang mukha at may suot itong bagpack.
"Kapag umaga pala lalong gumaganda ang bahay mo." ang manghang pagkomento ni elise sa bahay ni angelo ng makababa na ito ng hagdanan.
"Talaga?" paninigurado pang tanong ni angelo habang nag aayos siya ng mga gamit.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni elise ng mapansin niyang naka bihis pang alis si angelo at may suot pang bag pack.
"Sa school." maikling sagot ni angelo sa tanong sa kanya ni elise.
"Ah estudyante ka pala hindi dr*g dealer, pumapasok kaba sa school parang sa mga pinikula?" ang pangungusisang tanong ni elise kaya takang napatingin si angelo sa kanya.
"Anong school sa pinikula? Yung tulad ng hogwarts?" ang seryosong paninigurado na tanong ni angelo kaya napatawa si elise sa kanyang tanong.
"Hahahahaha." tawang tawa si elise dahil sa kanyang narinig mula kay angelo.
"Tumatawa kana, siguro mahilig ka talagang tumawa." ang naka ngiting tanong ni angelo kaya't nawala ang ngiti ni elise.
"Ha? Aaa kasi matagal ko ng iniisip kung ano ang itsura ng mga school dito, Sandali lang ililigpit ko lang ang mga gamit ko." ang pagpapaliwanag ni elise at mabilis naman nagsalita si angelo.
"Saan ka pupunta?" mabilis na tanong ni angelo dahil sa sinabi ni elise.
"Dapat umalis din ako kapag umalis ka, maghihilamos lang ako at pagpapalit." ang pagpapaalam ni elise ngunit hindi ito maka alis ng biglang magsalita ulit si angelo.
"Ah Huwag kang umalis dito ka lang, Aaaa I mean dito ka muna sa bahay habang nasa school ako wala ka naman pupuntahan hindi ba?" ang natatarantang tanong ni angelo kay elise.
"Yung ate ko..." ang pagpapaliwanag pa ni elise ngunit bigla ulit nagsalita si angelo.
"Mamaya pa magbubukas ang restaurant nila mamaya pang afternoon." ang makulit na pangungumbinsing sabi ni angelo kay elise dahil ayaw niya itong umalis sa kanyang bahay.
"Ah kung ganon baka...." ang pagtatanong sana ni elise ngunit laging may biglang sinasagot si angelo sa kanya.
"Tsaka walang bus hindi nag babus ang mga taong nasa area na ito." ang pilit pang pangungumbinsing pahayag pa ni angelo kay elise.
"Aaahhhh pero..." ang sasabihin pa lang sana ni elise ngunit bigla ulit nagsalita si angelo.
"Kung ayaw mong mag stay dito sama ka nalang sa akin sa school." ang naka ngiting paanyaya ni angelo kaya nagulat si elise sa kanyang sinabi.
"Ano?" gulat na tanong ni elise sa seryosong mukha ni angelo na nasa kanyang harapan.
"Diba sabi mo gusto mong makita ang school dito?" ang naka ngiting paliwanag pa ni angelo kay elise kaya't napatango nalang ito bilang pag sang ayon.
Maingat na minamaneho ni angelo ang kanyang kotse habang naka upo naman si elise sa front seat at naka ngiti itong pinagmamasdan ang kanilang dinadaanan at pasimple pa niyang hinarang ang kanyang kamay dahil sa sinag ng araw na dumadapo sa kanyang mukha.
Napabaling naman si angelo kay elise habang hinaharang nito ang kanyang kamay sa mukha kaya kinuha ni angelo ang isang extra niyang sun glasses na nasa kanyang kotse at mabilis niyang inabot kay elise.
"Hindi okay lang ako." ang nahihiyang pagtanggi ni elise sa inaabot sa kanyang sun glasses ni angelo habang nagmamaneho ito.
"Suotin muna ito para hindi halatang dayo ka isipin mo na lang na uniform yan." ang pangungumbinsing pagkasabi ni angelo kaya naka ngiting tipid na tinanggap ni elise ang sun glasses at isinuot na niya ito.
"Gusto kong ilabas ang kamay ko sa kotse nakakahiya ba iyon gawin dito?" ang paninigurong tanong ni elise sa nagmamanehong si angelo.
"Basta sandali lang ha?" ang paniniguradong pag sang ayon na pagkasabi ni angelo kaya tumango si elise bilang pag sang ayon at unti unti niyang inilabas ang kanyang kamay sa labas ng kotse habang naka ngiti ito na sinasalubong ang sariwang hangin at pinagmamasdan ang magagandang tanawin sa bawat nadadaanan nila.
Nasa loob na ng Classroom si angelo habang nag didiscuss ang kanilang guro na nasa kanilang harapan pasimpleng tumitingin sa bintana si angelo upang mapagmasdan niya ang naka upong mag isa sa upuan na nasa labas ng kanilang classroom na si elise habang pinapanuod nito ang mga ibang estudyante sa school na may iba't ibang pinag aabalahan mayroon ding mga nag eensayo na cheerleaders at may naka upo rin sa ilalim ng puno habang nag babasa ng libro at may mga magbabarkadang naka tambay na masayang nagkukwentuhan.
"Angelo what are you doing after class?" naka ngiting tanong ng babaeng nasa likuran ni angelo sa kanya ng matapos na ang kanilang klase.
"Just going home." ang maikling sagot ni angelo habang inaayos ang kanyang gamit at tumayo na ito upang lumabas na ng classroom.
Paglabas ni angelo sa kanyang classroom agad niyang tinungo ang kinauupuan ni elise kanina ngunit bigla itong nakaramdam ng pag aalala ng hindi niya makita sa kinauupuan kanina ni elise kaya mabilis siyang nag ikot sa buong school at napahinto siya ng makita niyang naka tayo si elise habang pinagmamasdan ang dalawang babae na nag uusap sa harapan ng bulletin board kaya dahan dahan itong lumapit sa kanya.
"Anong tinitignan mo?" ang pag agaw pansin ni angelo sa tahimik na si elise na pinagmamasdan ang dalawang babae at napabaling ang tingin nito sa kanya.
"Ah wala naman, mga masuswerteng bata lang, magkakaroon ata ng party ang mga estudyante." ang mahinahon na pagpapaliwanag ni elise kay angelo.
"Hindi naman masaya ang mga ganoong party." ang pangungumbinsing pagkasabi ni angelo dahil nakita niya ang malungkot na mukha ni elise.
"Talaga? Kailangan ko na talagang umalis, salamat sinama mo ako sa school mo, nasa bahay mo pa ang maleta ko babalikan ko nalang mamaya." ang mahinahon na pahayag ni elise kay angelo.
"Pupuntahan mo ang ate mo?" paniniguradong tanong ni angelo kay elise.
"Oo kailangan babawiin ko lang ang perang ibinigay sa akin ni mama, baka ipambili niya lang ng alak ng boyfriend niya." ang mahinahon na pagpapaliwanag ni elise sa tanong sa kanya ni angelo.
"Sige na, goodbye, O english yun ah." magiliw na pagkasabi ni elise at umalis na ito sa harapan ni angelo na tulala sa kanyang kinatatayuan ngunit bigla niyang pinigilan si elise sa kanyang paglalakad.
"Teka alam mo naba ang daan papunta doon?" ang paninigurado pang tanong ni angelo kay elise.
"Alam ko." ang maikling sagot ni elise at nalilitong itinuro ang daan kung saan saan at muli na itong tumalikod kaya napa ngisi nalang si angelo at sinundan niya ito.
"Sinungaling karin ee." ang sabi ni angelo at mabilis niyang sinundan si elise at bigla niyang hinawakan ang magkabilaan nitong balikat at iniharap sa tamang daan na ikinagulat ni elise.
"Kaya ko naman mag isa ee." ang mahinang pagrereklamo na sabi ni elise kay angelo.
"Samahan na kita." ang mabilis na pag alok ni angelo kay elise habang naglalakad na silang dalawa sa tamang daan.
"Wala kana bang klase?" ang paniniguradong tanong ni elise kay angelo.
"Hindi ko naman gusto iyon ee kaya okay lang naman na mag skip." ang seryosong sagot naman ni angelo sa tanong sa kanya ni elise.
"Ano bang subject iyon?" ang pangungusisang tanong ni elise kay angelo.
"Math." ang maikling sagot ni angelo sa tanong sa kanya ni elise.
"Gusto ko ang math enjoy kaya yun." ang seryosong pagkasabi ni elise kay angelo.
"Ang weird mo talaga." naka ngising pagkasabi ni angelo kay elise habang patuloy silang naglalakad patungo sa kotse ni angelo upang puntahan ang pinag tatrabahuan ng ate ni elise.