Princess’s POV At dahil sa palagay ko wala rin naman akong magagawa, sumunod na lang ako kay Ezekiel. Padabog pa akong sumakay sa sasakyan niya, sinampal ko pa ng malakas ang pinto para lang ipakita na hindi ibig sabihin na susunod ako eh defeated na ako. Pag-upo ko sa loob, napatingin ako sa paligid. Bagamat may tama ako ng alak, hindi ko naiwasang mamangha. Maluwag ng driver’s seat area, leather ang upholstery, may faint scent ng mamahaling cologne na parang signature niya. “Hmm…” ngumisi ako, sabay lingon sa kanya. “Ilan na ba naisakay mo dito? Or should I say… ilang na ang naangkin mo sa loob ng kotse mong ito?” Mabilis siyang sumulyap sa akin, expression flat pero deadly serious. “Honestly? Wala pa. Ikaw pa lang. Kung sakali.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa tono

