Mecca's POV
Pagkalabas ng elevator, agad kong inayos ang kwelyo ng blouse ko. Para bang makakatulong iyon para hindi mahalatang kanina pa ako ninenerbyos.
Stewart Group of Companies.
Dalawang linggo pa lang ako rito, pero parang isang buong taon na ang pakiramdam ko. Iba kasi ang pressure kapag alam mong ang CEO mismo ay personal na tumitingin sa mga tao sa paligid niya.
At hindi lang basta CEO si Edward Stewart.
Siya ang lalaking hindi mo pwedeng tingnan ng diretso sa mata nang hindi ka muna mag-iisip ng tatlong beses.
Ang lalaking kahit tahimik ay may presensyang hindi mo kayang balewalain.
At ang lalaking, for some cursed reason, ay ngayon ay boss ko.
“Mecca, sa boardroom ka na raw diretso,” ani Layla, isa sa mga executive assistants, habang sinusundan ako ng tingin. “Tinawag ka ni Mr. Stewart.”
Napalunok ako. “Ngayon na?”
“Kanina pa. Pero sabi niya, take your time. Gusto lang daw niya ng summary report sa project status. Don’t worry, wala pa siya sa mood na manigaw.”
Great. So may mood siyang manigaw. Very assuring.
Kinuha ko ang folder na nakaabang sa desk ko, tinapik-tapik ng marahan ang gilid ng papel para pantayin, at saka huminga ng malalim.
‘Professional ka, Mecca. You’re not here to panic. You’re here to survive.’
Tumigil ako saglit sa harap ng salamin malapit sa pantry at sinipat ang sarili. No lipstick smudge, no stray hair, no fear.
Tama. Huwag kang matakot. Boss lang siya. Hindi naman siya dragon.
Pero habang papalapit ako sa boardroom, naramdaman ko ang kaba na parang unti-unting bumubulong sa tainga ko: What if this is your last day?
Huminga ako nang malalim bago pihitin ang pinto.
At nandoon siya.
Nakatayo si Edward Stewart sa harap ng malaking glass window, naka-black slacks at long-sleeved white shirt na bahagyang nakabukas ang unang butones.
Walang tie, pero para bang mas lalo iyong nagpapatingkad sa pagiging intimidating niya.
Hindi siya agad lumingon. Para bang alam niyang naroon ako pero sinadya niyang ipaabot muna ang tensyon.
“Sir,” bati ko nang marahan. “Here’s the summary report for the Skyview Project. I also included—”
“Sit down, Ms. Castro.”
Naputol ang sasabihin ko. Maingat akong umupo sa harap ng mahaba at malamig na conference table. Tumitig ako sa folder habang nilalabanan ang tensyon gusto ng umakyat sa leeg ko.
Sa wakas ay lumapit siya.
Tahimik.
Walang sapantaha.
At naupo sa kabilang dulo hindi sa gitna, kundi eksaktong katapat ko.
“You’ve been working here for two weeks,” aniya. “How’s the experience so far?”
Hindi ko inaasahan iyon. Akala ko tatanungin niya kung anong mali sa report ko o bakit delayed ang isang update. Pero hindi. Small talk? Really?
“Challenging po. Pero marami pong natutunan.”
Tumango siya, saka dumampot ng isang pahina mula sa folder. “You’re from San Sebastian University, right? Magna c*m laude?”
“Opo.”
“I see.” Tinitigan niya ang papel, bago ako. “I like people who come from quiet places.”
Napakunot noo ko nang bahagya. “Quiet… sir?”
“Places with no noise, no mess. No scandal.”
Bawat salitang binibitawan niya ay parang sinukat matipid, pero mabigat.
Napalunok ako.
Ano ba talaga ang gustong puntahan ng usapan?
“You’ve reviewed the contracts?” tanong niya bigla.
“Opo. Pinasa ko na rin po kay Atty. Sison ‘yung revisions sa clause ng developer side. Naka-note na rin po ‘yung risk projections.”
Tahimik siya ulit.
Maya-maya, bumuntong-hininga siya at sumandal.
“I need someone I can trust, Ms. Castro. Someone who will not give me unnecessary noise.”
Napakunot ang noo ko, pero hindi ako nagtanong.
Gusto kong sabihin, I’m just doing my job, Sir, pero pinili kong manahimik.
“You’ll be transferred to the CEO’s office next week,” aniya, walang paligoy. “Starting Monday, you’ll assist directly under my supervision.”
Parang biglang huminto ang orasan sa loob ng kwarto.
“Sir?”
“I don’t repeat instructions, Mecca. Pack up your desk by Friday.”
At bago pa ako makapag tanong kung bakit, tumayo siya, kinuha ang folder, at tumalikod na para lumabas ng silid.
Iniwan akong nakaupo roon tahimik, tuliro, at biglang hindi alam kung panaginip ba iyon o bangungot.
Ako?
Mag-a-assist… kay Edward Stewart?
Hindi ko pa man maayos ang mga gamit ko sa luma kong desk, ramdam ko na agad ang mga matang sumusunod sa bawat galaw ko.
“Wow, Mecca. Sa CEO’s office ka raw ililipat?”
Si Lanie, isa sa mga officemates kong masyadong updated sa lahat, ang unang bumasag sa katahimikan habang nililigpit ko ang mga folders sa drawer.
Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti o hindi.
“Yup,” tipid kong sagot. “Starting Monday.”
“Grabe. Ibig sabihin, ikaw na ang personal assistant ni Mr. Edward Stewart?”
Ngayon ay halos buong cubicle area na ang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot.
Kilala si Edward Stewart hindi lang bilang CEO ng Stewart Group of Companies, kundi bilang isang perfectionist na halos walang pasensya. Wala kang maririnig na tsismis tungkol sa personal niyang buhay, pero may tatlong naunang executive assistant na nag-resign nang hindi pa umaabot ng isang buwan. Iba-iba ang dahilan stress, anxiety, hindi raw makahinga kapag nandoon si Edward.
At ako? Dalawang linggo pa lang ako sa kumpanya.
Walang VIP blood. Walang koneksyon. Pero heto ako ngayon, nililipat sa mismong lungga ng hari.
Pagkauwi ko ng gabing ‘yon, tahimik akong naupo sa kama. Inilapag ko ang maliit kong notebook at tiningnan ang listahan ng mga pangarap kong unti-unting tinutupad ko.
Makahanap ng matinong trabaho
Makatulong sa gastos sa bahay
Makabayad ng utang
Makatabi si Edward Stewart sa isang opisina
Okay, hindi ‘yon part ng checklist.
“Bakit ako?”
‘Yun ang tanong na hindi ko pa rin masagot hanggang ngayon.
Siguro dahil tahimik lang ako. Maayos magtrabaho. Hindi nagdadasal kung hindi naman kailangan.
O baka naman… may iba siyang dahilan?
Bago pa ako tuluyang malunod sa mga tanong, tumunog ang cellphone ko. Unknown number.
“Hello?”
“Mecca.”
Napakagat ako sa labi. Walang kailangan pang ipaliwanag isang beses lang sa buong kumpanya ang may ganong lalim at lamig.
“Yes, Mr. Stewart?”
“Come in early on Monday. 6:30 a.m.”
“Po?”
“Monday. 6:30. Don’t be late.” Click.
Hindi pa man ako nakakasagot, ibinaba na niya ang tawag.
Napahawak ako sa dibdib ko, sinusubukan paandarin muli ang puso kong parang biglang natigil.
6:30 a.m.? Hindi ba siya tao?
Lunes – 6:27 a.m.
Tatlong minuto bago ang oras na sinabi niya. Huminga ako nang malalim sa harap ng glass doors ng executive floor.
Tahimik. Walang katao-tao. Kahit ang receptionist sa dulo ay mukhang bagong dating pa lang.
Pinindot ko ang doorbell ng opisina niya.
Isang buzz lang.
Nagbukas ito sa loob ng dalawang segundo. Ako na ba dapat ang maunang pumasok?
Sumilip ako walang tao sa hallway. Maingat akong pumasok at sinundan ang liwanag mula sa kalahating bukas na pinto.
At doon ko siya nakita.
Nakatayo sa loob ng opisina, nakasuot ng dark gray vest over his white shirt. Hawak niya ang isang mug ng kape habang nakatitig sa isang floor-to-ceiling blueprint sa pader.
“Oh, you’re early,” sabi niya nang hindi lumilingon.
“Three minutes early po, Sir,” sagot ko, sinusubukan maging normal ang boses ko.
He turned.
Tumingin siya sa akin, diretso, parang may binabasa sa mukha ko. Saglit lang. Pero sapat na para mawala ang kontrol ko sa sarili kong breathing.
“Sit. I’ll show you how things are done here.”
“Yes, Sir.”
Umupo ako sa maliit na leather chair sa tapat ng desk niya. Ibinigay niya ang isang tablet na may schedule at listahan ng meetings.
“Your job is simple. Keep my time clean. No double bookings. No unnecessary lunch breaks. No delays. No excuses.”
“Yes, Sir.”
“You’ll answer emails, monitor contractor updates, organize my files, and screen people.”
Tumango ako. “Understood.”
“Also, don’t speak unless you’re spoken to. Unless it’s urgent. And no personal questions, ever.”
Napakagat ako ng labi. “Yes, Sir.”
Tahimik siya. Para bang ini-scan niya ako mula ulo hanggang paa.
Then—
“You’re wearing flats,” aniya, matter-of-fact.
Napatingin ako sa suot kong sapatos. Oo, naka-flats ako. Black, plain, malinis.
“May problema po ba?” tanong ko, dahan-dahan.
“I prefer staff who can walk fast without tripping. Keep wearing them.”
Ah.
Akala ko may fashion comment na.
“Duly noted,” sagot ko.
Tumalikod siya para bumalik sa blueprint wall niya. Ako naman, tahimik na binuksan ang tablet at sinimulan ng i-review ang mga kailangan ko para sa araw.
Pero sa gilid ng paningin ko, ramdam ko ang bawat hakbang niya.
Ang bawat buhos ng kape.
Ang bawat pagtigil niya para tumingin sa bintana na para bang may mabigat siyang iniisip.
Tahimik ang opisina. Pero hindi katahimikang nakaka-relax. Kundi ‘yung klase ng katahimikan na parang laging may nakasabit sa ere. Mabigat. Nakakakaba.
At sa gitna ng lahat ng iyon, isang tanong lang ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko:
Anong meron si Edward Stewart… at bakit parang ako ang piniling makalapit sa kanya?
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo, pero alam kong hindi ako makagalaw. Tahimik ang buong executive office. Tanging ticking ng wall clock ang naririnig sa pagitan ng mga tipik ng keyboard at mga paghigop niya ng kape.
Nakakabaliw.
Pero mas nakakabaliw ang tanong na hindi ko matakasan mula nang maupo ako rito:
Bakit ako?
Bakit ako sa lahat ng mas matatagal na staff? Mas maganda, mas matalino, mas makapal ang credentials. Hindi ako exceptional. I'm average. Pero ako ang nasa opisina ng CEO ngayon.
Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita siya mula sa gilid ng kwarto.
“Are you easily distracted?”
Napatayo ako agad. “No, Sir!”
Tumigil siya sa tapat ng desk niya, hawak pa rin ang mug ng kape, malamig ang ekspresyon.
“You’ve been staring at the clock for two minutes and twenty-three seconds.”
Napahiya ako. Hindi ko alam kung paano ako i-defend sa paraang hindi lalabas na palusot.
“I was just… familiarizing myself with the silence,” sagot ko, medyo nagbibiro pero diretso pa rin.
Napataas ang isa niyang kilay. “Silence doesn’t need familiarizing. It demands efficiency.”
Tila may laman ang bawat salitang binibitawan niya. Hindi niya kailangan ng sigaw para maramdaman ang awtoridad niya. Isa lang siyang salitang ‘quiet’, pero para kang pinatigil sa paghinga.
“Yes, Sir. Noted.”
“Good,” aniya sabay lapag ng mug sa coaster.
Maya-maya, may pinindot siya sa intercom. “Juliet, send the R&D report. Have Franco on standby.”
“Yes, Mr. Stewart,” sagot ng receptionist sa kabilang linya.
Pagkababa niya ng intercom, lumingon siya sa akin.
“You’ll be joining me for meetings. Observe. Take notes. Never interrupt unless I signal you. Understood?”
“Yes, Sir.”
Nagmamadali akong binuksan ang tablet na hawak ko at inihanda ang stylus. Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang matataas na opisyal mula sa Research and Development department.
“Good morning, Mr. Stewart,” bati nila.
Nginitian ko sila ng bahagya, pero mabilis ding binalik sa neutral ang mukha ko nang mapansin kong hindi iyon ginagawa ng boss ko.
“Let’s begin,” maikli niyang sabi.
Tumagal ang meeting ng halos isang oras. Pinag-usapan ang isang bagong project under construction sa Cebu. May problema raw sa supplier, kaya kailangan ng agarang solusyon. Tahimik lang si Edward sa umpisa, pero nang magsimulang magsisihan ang dalawang opisyal sa harap niya, bigla siyang nagsalita.
“Enough.”
Parehong natahimik ang dalawa.
“I don’t need people pointing fingers. I need people fixing problems.”
Doon ko unang nakita ang pagkakaiba niya.
Hindi siya boss na tatapikin ka sa likod. Isa siyang boss na magsisindi ng apoy sa ilalim mo, para matuto kang maglakad sa nagbabagang lupa at magtagumpay pa rin.
Pagkatapos ng meeting, sinenyasan niya akong sundan siya sa conference room. Nang kami na lang ang naiwan, tumingin siya sa akin.
“Take that as lesson number one,” sabi niya, malamig pero matalim.
“Which is?”
“Leadership is not about noise. It’s about control. And control begins in silence.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong tumango o pumalakpak.
“Understood, Sir,” ang tanging naisagot ko.
Naglakad siya pabalik sa opisina. Ako naman, nanatiling nakatayo sa gitna ng conference room hawak ang stylus at tablet, pero ang mismong sarili ko ay parang na-stuck sa isang whirlwind ng karanasan.
Ako si Mecca Angeline Castro. Hindi kilalang pangalan. Walang dugong mayaman. Pero heto ako ngayon nakaupo sa harap ng isang lalaking halos hindi ngumingiti, pero bawat salita niya ay parang sinasakal ang mundo para sumunod sa gusto niya.
At sa kabila ng lahat, ramdam ko ang kakaibang bagay na hindi ko kayang pangalanan.
Hindi ito kilig.
Hindi pa siguro.
Pero isa itong tension. Isang uri ng pakiramdam na parang kahit gaano kahigpit ang suot kong blouse, hindi ako makahinga kapag narito siya.
To be continued…