Princess’s POV Pagbalik ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at isinandal ang likod ko doon. My chest was rising and falling fast, para bang lahat ng energy ko sa pakikipagsagutan kanina bigla na lang akong iniwan. I walked straight to my bed and threw myself on it, staring blankly at the ceiling. Ang tahimik ng buong mansion, pero sa loob ko? Ang ingay. Parang lahat ng sinabi ni Dad paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko—“Marry Ezekiel. Act like a Stewart. Stop being a spoiled child.” Napahawak ako sa mata ko, pinipigilan ang luha. Damn it. I hated how much their words still got to me. Kinuha ko yung throw pillow at niyakap ng mahigpit. “Hindi ba pwedeng ako muna? Hindi ba pwedeng ako ang masunod?” I whispered to myself. For the first time in a long time, I admitted how suffocat

