Edward’s POV Para akong binagsakan ng langit at lupa pagbalik ko sa Pilipinas. Walang pasabi, walang clue huli na ang lahat. Namatay ang nanay ng asawa ko na wala ako sa tabi niya. Sa panahon na kailangan na kailangan niya ako. At ang pinakamasakit, Ako mismo ang pumili na wala ako roon. Oo, naresolba ko nga lahat ng gulo sa negosyo namin sa ibang bansa. Oo, maayos na ang mga papeles, mga deal, mga kontrata. Pero pagdating ko rito… may mas malalang problema palang naghihintay sa akin. Simula pa lang ng trip ko, sinara ko ang sarili ko sa lahat ng tawag, sa lahat ng message. Ayaw ko ng istorbo. Tinitigan ko yung screen na may mga missed calls na hindi ko sinagot. Kahit mga mensahe ng mga kaibigan ko hindi ko pinansin “Bro, nasaan ka? Kailangan ka ng asawa mo ngayon… I'm so stupid Pa

