Nakangiting napamulat ng mga mata si Ezeckiel. Tulog pa din hanggang ngayon si Celestine. Hinawi niya ang takas na buhok nito na tumatakip sa kan'yang mukha para masilayan ang mukha ng kan'yang mahal. Unting gumalaw ito ngunit nakapikit pa din ang mga mata. Tila napagod ito kagabi dahil ilang beses niyang inangkin si Celestine. Hinagkan niya muna ito ng halik sa kan'yang noo bago pa siya bumangon sa hinihigaan nilang kama at maingat siyang kumilos upang hindi niya ito maabala sa pagtulog. Lumabas agad ng kuwarto si Ezeckiel nang matapos niyang asikasuhin ang sarili nito, maaga pa naman pero excited na itong malaman ang resulta. Kahapon pa niya sana iyon malalaman kaso ayaw niyang masira ang nakahanda nitong plano para kay Celestine. Pero ngayon ay inagahan na talaga niyang pumarito si

