Pagkalabas ni Celestine mula sa loob ng kuwarto ni Ezeckiel, lihim itong kinilig dahil sa mga nasabi ni Eeckiel sa kan'ya. Pababa na ito ng hagdanan nang makasalubong niya ang kan'yang inay na papaakyat din ito na hanggang ngayon ay wala pa itong kaalam-alam na siya ang dating asawa ni Ezeckiel. Nangunot ang noo nito dahil hindi siya pinansin ni Celestine. "Vicky," tawag nito nang ito'y makalayo na at bahagyang lumapit naman ngayon ang kan'yang tinuring na inay sa kan'ya. "Anong nangyayari sayo at dinaanan mo lang ako kanina? Lutang na na naman ba iyang isip mo?" puna nito. "Siguro naiinlove ka na kay Ezeckiel ano?" prangka niyang sabi na ikinalaki ng dalawang mga mata nito dahil sa biglang pagsulpot ni Ezeckiel mula sa kanilang dalawa. Inirapan ni Celestine si Ezeckiel nang ngumsi ito.

