"Love Potion, Love Poison"
One-shot story
By: N. B Marlowe
(A side story of "The Bed Master")
xxxx---xxxxx---xxxxx---xxxx
" Mikel! Gising na kapatid malilate na tayo!" Inaalog-alog ko ang aking kapatid na mahimbing pang natutulog. Nagreview kasi kami magdamag.
"Ito na ate.. " dahan-dahan niyang sagot saken.
Isang napakaganda na namang araw ang binigay samen ng Poong Maykapal para matupad ang napakarami naming pangarap ng kapatid ko.
"Alam mo kapatid pag naperfect mo yung exam bibigyan kita ng cake tsaka ice cream." Wika ko sa aking kapatid habang naglalakad na kami papuntang paaralan.
"Hahaha si ate oh niloloko ako. :) wala nga tayong pang-almusal tapos bibili ka ng cake at ice cream para saken. Wag ka mag-alala ate kahit walang mga ganyan magsisikap ako at gagalingan ko." Tugon ng aking kapatid na nakahawak sa aking kanang kamay.
Masipag siyang mag-aral, marami siyang pangarap sa buhay kaya kahit napakahirap namin eh pareho kaming nagsusumikap.
"Sige pareho nateng galingan sa school! Sabay nating abutin ang mga pangarap natin kapatid." Saad ko at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
Pinagmasdan ko lang siya hanggang makapasok siya sa kanyang silid-aralan.
Samantalang ako naman ay patuloy na naglakad patungo sa aking classroom.
"Ay bat may naglalakad na Great wall of China, pader!"
"Babaeng nagsasayang ng bra."
"Mana sa tatay niya, flat chested."
"Walang ganda! Hindi pretty."
Mga bulong-bulongan na aking naririnig habang naglalakad ako papunta sa room. Hindi ko na sila pinatulan kasi baka mapahamak lang ako, nagpretend na lang ako na hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila.
Palibhasa nandito lang sila sa paaralan para mag pacute, naka-make up pa wala namang sagala at tsaka wala namang fashion show. Kung hindi nga siguro required mag-uniform baka nakalong gown pa sila.
"Babe, pwede ka ba mamayang gabi?"
"Oo naman just text me kung saan." Tugon sakanya ng babaeng maputi at medyo kulot ang buhok.
Umagang umaga galawang hokage na naman si Ryle- classmate ko siya at sikat siya sa buong campus. Maraming nagkakagusto sa kanya. At walang babae ang nakakahindi sa kanya.
"Ryle picture nga tayong dalawa. Pwede?" Tanong sakanya ng isa kong babaeng kaklase.
Nakaupo na ako ngayon sa unahan, gusto ko kasing makinig ng maigi sa mga guro. Pag sa likod kasi ako naupo may tendency na gulohin lang ako ng mga lalaking nakaupo doon.
Habang pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko, hindi ko na malaman kung ano para sa kanila ang kahulugan ng paaralan. May nakita kasi akong naglalagay lang ng make up, nakikipaglandian, naglalaro sa cellphone at nakikipagchismisan instead of making their assignments and projects. Basta ako nagbasa na lang ng libro.
Nagsimula na ang guro naming magturo. Nakinig ako ng maigi at nag jot down ng mga notes para mareview ko sa bahay.
Yung mga kaklase ko? Nagdadaldalan lang, hindi nakikinig yung iba. Kunwari nagbabasa ng libro yun pala may binabasa lang na text messages sa cellphone, yung iba naghaharutan. Kaya naman pag may exam lahat sila kanya-kanyang uri ng pangongodigo, may nakasulat sa palad, sa leegs, may notes na nakalagay sa likod ng I.D,may nagpapasahan ng gusot na kodigong papel at kung anu-ano pa.
Natapos yung klase namin na napakarami kong natutunan, pinuntahan ko yung kapatid ko para kumustahin yung exam niya at sunduin na rin siya.
"Kumusta na yung exam mo kapatid? Perfect ka ba?" Tanong ko sa kapatid ko pagkalabas niya ng classroom nila.
"Opo ate, salamat kasi tinulungan mo ako magreview." Masayang sabi saken ng matalino kong kapatid.
"Wow naman, proud na proud sayo si Ate." Tugon ko sa kanya habang patuloy sa paglalakad papalabas ng gate.
"Mark, what do you want ice cream or cake? That will be your prize because you got the highest score in your exam."
"I want the biggest scoop of ice cream mommy."
Usapan ng mag-ina sa labas ng paaralan buti pa sila mayayaman mabibili nila ang gusto nila.
Tinitigan ko si Mikel na nakatingin doon sa bata na humihingi ng ice cream sakanyang mommy... samantalang ako nagsabi sakanya na ibibili siya ng cake at ice cream pero hindi ko naman magagawa naperfect pa naman niya yung exam.
"Tara na ate! Bilisan na naten nagugutom na ako." Sambit ng kapatid ko kaya nagsimula na kaming maglakad pauwi.
Buti na lang hindi nahihiya ang kapatid ko sa mga kaklase niya kasi yung mga classmates niya mayayaman.
Minsan iniisip ko kung ano ba ang ginagawa niya tuwing recess time wala kasi kami parehong baon, naaawa na nga ako sakanya kasi saken ok lang kahit walang baon, siya ang bata-bata niya pa pero sobra na ang kanyang tinitiis.
"Mom, Can you please buy me a balloon?"
"Of course my son."
Nadaanan namin yung kaklase ni Mikel na ibinibili ng kanyang nanay ng isang kulay pulang lobo. Ngumiti kay Mikel yung kaklase niya tapos sumakay na sa kotse nila.
Wala namang bakas ng pagkainggit ang makikita sa mukha ng kapatid ko. Kahit naglakad lang kami at yung kaklase niya ay nakasakay sa kotse.
*Sa Bahay
"Sarap naman ng fried chicken ate! Yuuuuuuummm!" Masiglang sabi ng kapatid ko at sinubo niya na yung pagkain.
"Tapos ito may adobo pa, may peanut butter stew, tapos porkchop." Sabi ko din sabay subo ng pagkain.
"May nilagang baboy pa at menudo Ate."
Inaaliw lang namin ng kapatid ko ang sarili namin. Kasi ang totoo talaga tsitsirya lang at toyo ang ulam namin. Masarap na din naman yung ulam kasi kung ano ang iniisip namin yun ang nagiging lasa ng mga tsitsiryang sinusubo namin. Nabubusog na rin naman kami no'n.
Pagkatapos namin eh, nag-ayos na ulit kami ng gamit namin para sa panghapong subjects.
"Ate wala na akong pencil." Nagsabi saken ang kapatid ko at ipinakita niya saken ang lapis na kasing haba na lang ng hintuturo at ubos na yung pambura.
Nagexam siya na ganon na lang ang kanyang ginagamit na panulat?
"Ito kapatid sayo na lang pencil ko, di ko naman yan ginagamit." Tugon ko at ibinigay ko na sakanya yung pencil na hindi ko pa naman masyadong nagagamit.
"Salamat ate!" Tapos niyakap niya ako ng mahigpit.
Pumasok na ulit kami sa school para mas madagdagan pa ang kaalaman namin at para na rin sa mga pangarap namin.
*Kinagabihan
"Ate kailangan naming magdrawing ng dream house kaso wala akong short bond paper." Sabi saken ng kapatid ko na problemadong problemado.
"Yung likod na lang ng kalendaryo tapos gupitin naten kasing size ng short bond paper." Suhestiyon ko sakanya.
"Sige ate, maganda yun!!!" Hindi naman choosy ang kapatid ko basta meron siyang maisubmit sa guro nila masaya na siya.
Nagsimulang mag-guhit si Mikel ng dream house niya.
"Ganito gusto kong bahay ate, may swimming pool na malaki, tapos may malaking ref para may almusal tayo parati, kotse para hindi ka na napapagod sa paghatid saken. Magkatabi kwarto naten sa 2nd floor para kung may momo tatakbo agad ako papunta sayo. Meron din pa lang washing maschine para di na mahirapan si nay maglaba ng mga damit. Ikaw ate ano ba gusto mo sa bahay naten para mailagay ko din?" Mahabang eksplenasyon habang iginuguhit niya iyon.
"Kung ano yung gusto mo kapatid yun din saken. Ipapatayo natin ang bahay na yan.". Tugon ko sakanya.
Tinapos namin lahat ng assignments pag hindi alam ng kapatid ko tinutulungan ko kaya madali kami parehong natatapos. Hindi naman kami naglalakwatsa pag-gabi. Natulog kami ng kapatid ko ng magkayakap.
****
" Mikel! Gising na ayan na si Haring araw nakangiti na."
"Good morning Ate!!"
Pagkagising namin agad na kaming nag-ayos ng gamit. Tapos nagsimula na ulit maglakad papunta sa paaralan.
"Goodluck Kapatid! Galingan mo ulit ha, parating mag-recite." Sabi ko sakanya at pumasok na siya sa silid.
Habang ako, as usual nagparinig na naman yung mga babaeng may mga mount everest, sila na may matayog na boobs. Nagkasoil erosion kasi sa dibdib ko kaya naflat.
Deretso lang akong naglakad patungo sa silid hinayaan ko lang silang magsalita. Hindi naman ako naaapektuhan no'n eh.
"Hi baby! Pwede bang maupo sa tabi mo?" Mapreskong tanong ni Ryle saken at naupo na siya sa tabi ko.
"Sige ok lang." Maikling sagot ko sakanya. Nagtanong pa siya, nakaupo na nga eh. Ako na naman ang trip nito.
"Yieeeeeeeiiii" sabay-sabay na hiyawan ng mga kaklase ko.
"Pwede ka ba mamayang recess? Sabay tayo." Tanong niya saken. Nahiya ako kasi wala naman akong pambiling pagkain. Sa loob lang naman ako ng classroom nagbabasa ng libro habang nagrerecess sila. Kaya hindi ang naisagot ko sa tanong niya.
*Recess Time
"Oh Shara hamburger mo at soft drinks para talaga sayo yan." Alok saken ni Ryle. Kinuha ko naman ang mga iyon.
Nandito kami sa canteen kasama ang mga kaibigan ni Ryle pinilit kasi nila ako wala naman akong nagawa baka kaladkarin nila ako.
Maraming babae ang nakatingin samen na parang inggit na inggit saken.
Sa mga sumunod na araw parati ko na silang kasama sa kung anu-ano mga bagay. Kahit saan-saan kami pumupunta, naging napakasaya ko kasi ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan.
(2 months later)
Umaga na naman, sisikat na naman ang araw sa kalangitan ~.~ parati kong mataimtim na hinihiling na sana hindi na lang ako magising, bubungad na naman kasi saken ang mga problemang hindi namin kayang masolusyonan ilang taon na. Ayoko ng mabuhay sa mundo kung ganito rin lang naman.
Gigising walang almusal, papasok sa paaralan na hindi kompleto ang gamit, lumang mga damit, sapatos, notebook na ni-recycle at pinagdikit-dikit. Ako na nga mismo ang naaawa sa sarili ko.
" Magandang umaga ate!" Bati saken ng 7 taong gulang kong kapatid. Masaya pa rin siya kahit ganito ang buhay namin, sira-sira ang bahay na gawa sa pinagkabit-kabit at pinagpatong-patong na yero, tarpaulin at mga kahoy na napulot lang sa tabi-tabi. Ewan ko ba sakanya! Palibhasa wala pang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Pero ako nagsasawa at napapagod na sa buhay na ganito.
"Tara na Mikel! Bilisan mo!" Sabay kaming naglakad ng kapatid ko papunta sa paaralan na walang kalamanlaman ang tiyan kahit kape man lang. Nasanay na kaming ganito simula noong unang pagtungtong palang namin sa eskwelahang ito.
"Sige ate! Kita na lang tayo mamaya." Wika ng aking kapatid at pumasok na siya sa kanyang silid-aralan.
Habang ako nama'y pumunta na rin sa aking classroom kung saan naroroon ang mga kaibigan kong nagbibigay saken ng saya at pag-aalala. Pagkasama ko sila panandalian akong nakakatakas sa masalimuot na realidad na aking kinasasadalakan, isang panaginip na gustong-gusto ko ng tuldukan.
"Ano Shara? Papasok pa ba tayo?" Tanong ng isa kong kaibigan saken noong pagkapasok ko sa silid.
"Labas na tayo!! Doon na lang tayo sa likod ng paaralan tumambay.! Nakakatamad mag-aral!" Suhestiyon ni Ryle na katabi ko ngayon at nakayakap saken.
Napagdesisyonan naming apat na magkakaibigan na lumabas na lang ng classroom at hintayin na lang ang oras ng uwian.
Umuwi kami sa bahay ng kapatid ko na kanin lang ang nasa hapag, minsan ang inuulam na lang namin ay toyo o di naman kaya'y tsitsirya. Nabuhay kami ng kapatid ko ng ilang taon sa ganuong kaawa-awang sitwasyon.
*Kinagabihan
"Ate bat ngayon ka lang?" Tanong ng kapatid ko. 10pm na kasi akong nakauwi at inantay niya pa ako.
"Alam mo ate miss ko na yung dating ikaw, ikaw na tinutulungan akong gumawa ng assignment, ikaw na kasama ko parati pauwi, ikaw na nagbibigay ng lakas saken para mag-aral ng maigi. Namiss ko na yung Ate Shara kong napakapositibo ang tingin sa buhay. Mahal na mahal kita Ate Shara..." Naiiyak na ang kapatid ko habang sinasabi niya yun. Tapos binigyan niya ako ng isang napakainit na yakap.
"Sige na kapatid matulog ka na." Hindi ko na siya niyakap bagkus humiga na ako sa malamig na pinagdugtong-dugtong na sako.
***
"Ate gising na malilate na tayo!" Inaalog-alog pa ako ni Mikel habang ginigising.
"Ito na..." Dahan-dahang kong sagot.
Naglakad kami papunta sa eskwelahan.
"Galingan mo ate ha! Goodluck saten pareho." Sabi saken ng kapatid ko bago siya pumasok sa silid.
Noong makita ko sina Ryle hindi na kami tumuloy sa classroom nagbulakbol na lang kami kung saan-saan na nakauniform pa.
Kinagabihan pumunta ako sa mga kaibigan ko para uminom ng alak at manigarilyo. Iba sa pakiramdam ang manigarilyo at uminom ng alak na kasama sila. 4th year high school na ako, kaya ok lang mag ganito. Wala namang pakialam yung taong nagluwal at naglagay saken sa ganitong kahindik-hindik na kalagayan, pinabayaan na yata ako ng mga walang kwenta kong magulang.
Lumalim na ang gabi, maraming kaha na ng sigarilyo ang naubos, maraming bote na ng alak ang nakalagay sa ilalim ng mesa, lahat kami ay nalunod na sa kalasingan.
Ipinasok ako ni Ryle sa kanyang kwarto. Hinubad ang aking damit dahan-dahan akong pinahiga sa malambot na kama at gumapang ang kanyang maiinit na kamay sa buong katawan ko. Hinalikan niya ako gamit ang kanyang mapupulang labi. Marahan niya na ring hinubad ang saplot niyang damit. Naghalikan ulit kami at pumatong na siya saken, yun din naman ang aking kagustuhan, boy friend ko naman siya kaya ayos lang ito. Baka pag nagsama na kami ni Ryle maiba na ang takbo ng buhay ko. Gusto ko ng makawala. Gusto ko ng makaalpas.
****
"BwaaAaAerrrhhhh!!" Nasuka ako noong pagkagising ko sa loob ng aming bahay. Hinatid na yata nila ako.
"Ate ayos ka lang po ba?" Tanong ng musmos kong kapatid. Halata sa kanyang mukha ang lubos na pag-aalala.
"Wala ito. Medyo nahihilo lang ako." Tugon ko sakanya.
"Ate sabay nating aabutin ang ating mga pangarap ha!" Tapos hinalikan niya ako sa pisngi nakaupo kasi ako.
Wala akong naisagot sa mga sinabi niya. Katahimikan lang ang naisagot ko sakanya.
Hinala ko'y buntis ako dahil sa nangyari samin ni Ryle. Inihatid ko ang aking kapatid sa paaralan samantalang ako'y umabsent na lang.
Nadatnan ko ang aking ina na may bitbit na mga labahin. Pero Pumasok lang ako sa bahay na hindi siya pinapansin.
Sa loob, ng aming maruming bahay naduwal na naman ako.
" Anak buntis ka ba?" Mahinahon na Tanong ng magaling kong ina.
"Oo, dahil gusto ko ng makaalis sa bahay na 'to. Sawang-sawa na ako!!." Yun ang mga katagang sinabi ko kahit hindi ko pa sigurado na buntis talaga ako.
"Anak, bakit? Bakit mo hinayaang mangyari yan sayo?" Nanginginig siya habang sinasabi yan. Mga ilang sandali pa'y may mga tumulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
"Nagpapakapagod akong mapag-aral kayo dahil gusto kong maganda ang maging kinabukasan niyo tapos ito lang pala ang isusukli mo sa lahat ng pagpapakapagod ko. Naglalabandera ako simula alas singko ng umaga hanggang alas diyes ng gabi. Sugat sugat na ang kamay ko mapag-aral lang kayo... :( " Niyakap ako ng aking ina. Ngayon niya lang saken yun ginawa. Grabe ganito pala yung pakiramdam na yakapin ng isang ina parati na lang kasing si Ryle ang nagpaparamdam saken ng pagmamahal, sakanya ko nadama ang pag-aaruga na aking hinahanap.
"Pagod? Ako nay tinanong niyo ba kung napapagod na rin? Hindi lang ako napapagod na sa sitwasyon natin sawang-sawa na din ako. Ayoko na dito." Malakas na pagkakasabi ko sakanya.
"Ayokong matulad kayo saken na hindi man lang nakapagtapos ng elementarya tapos nagkamali pa at nag-asawa ng maaga. Mahal na mahal ko kayong mga anak ko." Umiiyak pa ang aking ina. Ipinagtutulakan ko na siya palayo pero pilit siyang lumalapit saken. Mahal daw bat pinaampon niya yung iba niyang anak?
"Oo nga nay eh, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niyo saken." Pang-iinsulto ko sakanya habang tumatawa-tawa pa.
Naglayas ako samen, ayoko ng marinig ang nakakarinding boses ng aking ina parati niya na lang kasi akong pinapagalitan. Pumunta ako sa aking mga kaibigan upang makituloy sakanila. Nagpapregnancy test ako at positibong nalaman ko na ako nga ay buntis.
Ang mga kaibigan ko ay parating pinapagalitan ng kanilang mga magulang sa tuwing tumutuloy ako sa bahay nila. Dagdag pa daw ako sa pakainin at gastusin.
Kaya ayun umalis din ako sa bahay ng kaibigan ko, halos lahat sila ay natuloyan ko na ang bahay. Pero sa bandang huli hindi naman pala talaga ako totoong tanggap sa bahay nila.
Si Ryle? Noong malaman niya na buntis ako, agad na rin siyang pumunta sa ibang lugar kasama ang kanyang pamilya. Iniwan niya akong dinadala ang kanyang anak.
Ang lalaking yan talo pa ang isang napakalaking flower shop sa dami ng bulaklak na lumalabas sa kanyang bibig. Talo ang pinaghalong honey at tsokolate sa sobrang tamis ng ipapangako niya sayo. Nagkadiabetes na nga ako. Ang daming pangako na kahit ang mga bituin daw sa kalangitan ay susungkitin at ibibigay sayo. Sa bandang huli iiwan din naman pala ako. Para akong nakainom ng love potion na sa bawat pagbigkas niya ng salita ay paniwalang-paniwala ako, nasa bawat titig niya saken ay mas naiinlove ako. Magaling lang siya sa kama pero ayaw naman maging responsableng ama.
Sabi niya di niya daw ako iiwan, sabi niya forever na daw kami, sabi niya siya daw ang kared string at soul mate ko. Hanggang sabi niya lang pala yun hindi niya naman ginawan ng aksyon.
Habang akoy nagbubuntis doon muna ako naninirahan sa abandonadong bahay. Nagtitiis sa dilim, nagtitiis sa gutom, ni isa sa mga kaibigan ko ay hindi man lang ako naisipang dalawin at kumustahin ang kalagayan.
"Lola! Ito na po ang nangyari saken ngayon! Ito ba ang epekto ng love potion na binigay niyo saken?" Tanong ko sa matandang babae na dumaan sa abandonadong bahay na aking tinutuluyan, siya ang nagbigay saken ng love potion daw na ipinainom ko kay Ryle , crush na crush ko kasi siya noon at gusto kong magkasama kami sa panghabang panahon.
"Yan ang epekto ng pag-ibig kapag masyado kang nagmadali." Ang maikli niyang sagot. Hindi naman ako noon naniniwala sa love potion kasi nasa modernong panahon na tayo hindi na uso ang ganun pero sinubukan ko pa rin. Syempre sobrang mahal ko si Ryle, hindi ko maaatim na makita siyang kasama ng ibang babae.
"Kasalanan ko pa na nagmadali ako? Lola nagmahal lang ako. Mali bang magmahal?" Tanong ko ulit sakanya.
"Ang pagmamahal ay hindi mali. Mali ang nagmamadali." Sagot ulit noong matanda.
Napag-isip-isip ko na oo nga, masyado akong nagmadali, naging sobrang saya ko kasi noong naging kami ni Ryle. Dati kasi sinusulat ko lang ang pangalan niya sa likod ng notebook ko pati sa upuan ko sa classroom. Lahat ng inuupuan ko sa silid-aralan ay sinusulat ko ang kanyang pangalan. Nauubos lamang ang tinta ng ballpen ko sa paulit-ulit na pagsulat sa kanyang napakahabang pangalan. Ang boses niya noon habang nagsasalita ay parang musika na may napakagandang saliw ng melodiya na gusto ko parating naririnig. Sa tuwing dumadaan siya sa harapan ko bumibilis ang pagpintig ng puso ko, at umiinit bigla ang dugo na dumadaloy sa mga ugat ko. Parati siyang hinahanap ng aking mga mata sa tuwing umaalis siya ng classroom. Parati akong nagrerecite at ginagalingan kasi alam kong andiyan siya nakikinig saken.
Natulala ako ng panahong iyon, ng maalala ko yung mga pinag-gagawa ko noong hindi ko pa boyfriend si Ryle. Hindi ko namalayan na nawala na pala sa paningin ko yung matanda. Nakaalis na siya.
Ako yata ang naapektohan ng pampaibig na ibinigay saken ng matanda. Nagpakatanga ako ng dahil lang sakanya. Nagcutting class ako makasama lang siya. Natutong uminom ng alak at maghithit ng sigarilyo dahil sinunod ko siya. Ang akala ko nakita ko na ang kasiyahang hinahanap-hanap ko, yun pala kumuha lang ang ng isang malaking tipak ng bato at ipinukpok sa matigas kong ulo. Ginamit niya lang ako, ako gumawa ng assignments at projects niya, saken siya kumukopya sa tuwing may pagsusulit.
Labis ang paghihinagpis ko, mukhang hindi ko na naman matutupad ang sinabi ko sa aking kapatid ,na sabay naming aabutin ang aming mga pangarap. Malayong maipatayo namin ang dream house na iginuhit niya. Mahirap ng makabili ng kotse para maihatid ko siya sa paaralan, pati washing machine mahirap nang makabili para sa nanay naming naglalaba buong araw. Ang tayog ng pangarap ng aking kapatid. Tinatahak niya pa rin ang daan patungo sakanyang pangarap samantalang ako'y nagkamali.
Masakit ang iwan ng taong akala mo pang matagalan na, ng taong pinakamamahal mo, ng taong nagbibigay sayo ng saya't ngiti. Siya rin pala ang magiging dahilan ng aking malalim na pighati.
Hindi nako pumasok sa paaralan, at nawalan na rin ako ng kaibigan. Kahit buntis pa ako'y naghanap ako ng trabaho, tagalinis ng sahig, tagahugas ng pinggan, tagawalis lahat ng klase ng trabaho na kaya ko ay ginawa ko para lang sa magiging anak ko.
Hindi ko naisip na ipalaglag ang anghel na nasa tiyan ko. Dahil ginusto ko naman na manyari 'to at kahit pagbali-baliktarin man ang mundo walang kasalanan ang inosenteng bata na naninirahan sa tiyan ko, sa mga pagkakamaling nagawa at pinagsisisihan ko.
Dumating yung panahon na manganganak na ako, wala akong matakbuhan, wala akong mapuntahan mabuti na lamang ay hinatid ako ng isang tricycle driver sa isang malapit na hospital. At alam niyo kung sino ang dumating, at pinaghugutan ko ng lakas? Yung ina na ipinagtabuyan, kinamuhian at kinasuklaman. Sa bandang huli mahahanap ko pa rin siya sa aking tabi. Tinanggap niya ako sa kabila ng pagkakamali ko, sa kabila ng pagsagot-sagot ko sakanya.
Malaki ang pasasalamat ko dahil andiyan pa rin siya sumusuporta para saken at sa anak kong si Savajnah.
Yung love potion na ginamit ko eh parang naging isang lason na unti-unting lumalamat sa aking mga pangarap, nalason ako ng matinding pag-ibig, nalason ako ng pagmamahal ko sakanya. Alam ko hindi pa huli ang lahat makakahanap ako ng lunas sa nainom kong lason, lunas na pwedeng magpahilom ng mapait kong kahapon.
***Makalipas ang 15 taon
"Nay mag-almusal na po kayo." Paanyaya ng aking kapatid sa aking ina.
Kumuha ang kapatid ko ng mga pagkain mula sa ref at ibinigay ito sa matanda na naming magulang. Napakarami niyang peklat sa kamay dahil sa ilang taong paglalaba.
"Sir, andiyan na po yung washing machine."
"Ipalagay mo na lang doon sa likod." Tugon ni Mikel.
"Ate mamaya ligo tayo sa swimming pool." Sabi sakeng ng kapatid ko. So I just nodded. Naalala ko pa dati sa ilog lang kami naliligo.
Nag-aral ng maigi ang kapatid ko at nakapagtapos siya ng kursong engineering kahit walang almusal sa umaga at baon.
Oo, parati siyang gutom------- gutom sa kaalaman at hindi iniinda ang kalam ng tiyan.
Naipatayo na namin ang dream house niya dahil sa kanyang pagsusumikap at pagpupursige. Meron na rin siyang kotse
Mapahanggang ngayon nasa amin parin ang iginuhit niyang dream house na nakadrawing sa likod ng ginupit na kalendaryo.
Ang panahon ang naging napakainam na gamot sa nainom kong lason. Hinarap ang pangungutya ng mga tao dahil sa nagawa kong pagkakamali at naging mas matapang.
15 years old na ngayon si Savajnah at mahal na mahal siya ng kanyang stepfather. Oo, nakakilala ako ng taong tatanggap sa akin sa kabila ng aking pagkakamali. Hindi pa naman huli para gumawa ng tama.
Naging kontento na rin ako sa buhay ko ngayon. At patuloy na lumalaban para sa aking anak na si Savajnah.
(Fin)
If you want dedication just comment down. Lavyah'