Chapter 23: The Mafia *Eury's POV* "Trisha, kumusta na yung mga target investors natin?" tanong ko kay Trisha na nakaupo sa kabilang table habang gamit ang laptop niya. Nasa loob ako ng sarili kong business ngayon, medyo malayo rin 'to sa bahay namin kaya for sure hindi malalaman ni daddy na meron akong ganito, at tsaka hindi naman nakapangalan sakin ang negosyong ito kundi kay Trisha. "Bad news Eury, nag-atrasan sila, may nahanap kasi silang mas patok at mas malaking business kaya di na nila pinagkatiwala ang pera nila satin." malungkot na sagot ni Trisha sabay simangot. Malabo talagang makahanap kami ng investors kasi hindi pa naman ganun Kalakihan ang business namin kung ikukumpara sa iba na halos dekada ng nakatayo at alam ang sunod-sunod na proseso sa larangan ng negosyo. Gani

