Chapter 32: Courage "We cannot get rid of fear, all we have to do is to get through it, to see the possibilities on the other side." *Athena's POV* Dinala kami ng mga lalaki sa isang malaking bahay ngunit kami ay nakagapos pa rin. Nagkaroon na ng malay si Jessica at hindi mawawala ang pangamba sa kanyang mukha. "Ano ba talaga ang gagawin niyo samin?" tanong ko dun sa lalaking may baril na nagbabantay samin. "Wala akong alam, ang utos lang sakin ay bantayan kayo." matapang na sagot niya at parang galit pa. Iniwan na kami ng mga lalaking kumuha samin at hindi ko na kilala yung mga taong nasa loob ng bahay na ito ngayon. "Ano bang gagawin nila satin? Papatayin na ba nila tayo?" tanong din sakin ni Jessica na naiiyak na. Mga ilang sandali pa nga ay tuluyan ng bumuhos ang luha mula s

