CHAPTER 3

1257 Words
I've been searching vigorously about a private person whose life is so mysterious, daig pa ang mga mafia boss kung magtago ng impormasyon tungkol sa sarili. What I see online and from the narratives I can only access is far from what's beneath. What I know is like a tip of an icebrerg, and it irks me. Kating-kati ako malaman ang katotohanan, ang maibunyag ang mga baho nila, maliban sa trabaho ko 'to biglang isang writer, I also feel the sense of responsibility as a citizen. Maraming tao ang naaapakan nang hindi man lang nila nalalaman. Pakiramdam ko malapit ko na mahanap ang sagot. Ang sagot na mismo ang kusang lumalapit. "May pagka-romantic ka pala, Rance." Nagulat siya nang sabihin ko 'yon, bumalik sa'kin ang tingin niya mula sa lalaki kanina. Sinundan niya ang tingin ko nang marinig ko ang boses, I can't afford Rance to know I'm researching for the man. I acted as if I was only distracted with the incident, matalino si Rance, at hindi siya manhid. It kinda guilts me to do this. Masyado akong distracted. I smiled. I caught him off guard, I saw his eyes twinkled. Talaga namang guwapo siya. Marami nang writers ang nahuhumaling sa kanya, mabait din kasi at magalang. He’s also kinda famous on social media, girls these days like intellectual men who are, well, hot. Suddenly, nanumbalik sa'kin ang kami. We are on a date. I'm on a date…with my office crush. Parang bata pakinggan, pero matagal na rin naman na akong kinikilig sa kanya. He's just so gentleman and very dedicated to his work. Napakamot siya ng batok, I then saw his arm muscles flexed. Hindi man intensyon, iyon talaga ang napansin ko. Hindi maipagkakaila ang ganda ng katawan niya. “Akala ko ire-reject mo invitation ko eh, buti na lang hindi ka busy,” sabi niya. Hindi siya makatagal ng titig sa’kin, pero pansin kong sinusubukan niyang panuorin ang mga kilos at ekspresyon ko. Ngayon lang kami naiwang kami lang, kaya siguro maging ako ay may ibang kaba na nararamdaman. Actually, I am busy. Muli siyang umayos ng upo. “I mean, hindi sobrang busy,” pag-ulit niya na parang nabasa ang nasa isip ko. Ngumiti ako. “You know the nature of our work, Rance. Parang kasalanan ang magpahinga,” sabi ko, na parang naging deklarasyon. “Agree.” Hindi na nasundan pa ang date na ‘yon matapos ang ilang buwan, at dahil ‘yon sa mga kontrobersyang nagpuputukan na kailangan tutukan. Talagang nawalan kami ng panahon para sa ibang bagay maliban sa pagsusulat ng balita. Ngayon, nalalapit na naman ang senatorial election, maliban dito ay patuloy na lumalaganap ang krimen sa bansa na talagang nakakabahala. I am on my fifth article for the day, at isusubmit ko na sana ‘yon nang tawagin ako ng assistant editor in chief. “Quizon, to my office.” Agad akong nag-isip kung kailan kami huling nag-usap ni Rance nang hindi related sa trabaho, panigurado kasi ay may napansin na naman ang isang ‘to tungkol sa’min. “Yes sir?” tanong ko nang makapasok. Tinignan niya muna ako mula paa hanggang ulo bago nalukot ang kanyang mukha. Wala siyang maipipintas sakin sa pisikal, mas lalong wala sa talento na pagsulat. Hindi naman ako nagmamataas, pero kumpara naman sa receding hairline niya, mas mabuti talagang manahimik siya. "I read your latest article on crime in the metro. It’s repetitive. Practically a copy of Rance’s. Don’t you have anything new to offer?" I narrowed my eyes, the weight of his words settling in my chest. He dared to compare my work to Rance’s, as if trying to ignite some unspoken rivalry between us. "I’ve read Rance’s piece, sir," I replied, keeping my voice even. "He focused on drugs and carjackings, street-level crime. Mine focuses on the psychological effects on the crimes on people, how it affects their daily commuting and the likes.” “So? Still about crimes.” “It’s more of expanding the topic than a copy—” Ibinagsak niya ang parehong palad sa ibabaw ng lamesa, ang bigat ng kilos niya nagbigay ng dagundong sa tahimik na silid. Kasabay nito, bumagsak ang tingin niyang matalim sa akin, punong-puno ng inis, para bang hinahamon akong sumagot o umurong. “This article is rejected.” Lumabas ako ng opisina na may halong dabog at bigat sa mga hakbang. Napatingin pa sa’kin ang iba sa opisina. Bumalik ako sa cubicle na masama ang loob. I spent time writing that article, even contacted resident Psychologists to prove a point. “Friend, okay ka lang?” Maging si Bea ay napalabas sa cubicle niya. “No. He’s power tripping again. Sobrang frustrating.” I almost ranted about how he would rather publish gossips without factual evidences basta tungkol sa mga artista o sikat na social media “influencers”, than substantial ones pero baka marinig pa ng iba. Napailing si Bea. “Hay nako, quota ka naman na for today. Gumora ka na kaya?” I tried starting from scratch, I positioned myself in front of the monitor, but the frustration is eating my creative energy. In the end, nakinig ako kay Bea at piniling umuwi na. Kinagabihan, nakatanggap ako ng tawag mula kay Mama. May problema na naman sa sakahan, ginigipit na naman sila ng mga korporasyon at pilit kinukumbinse na ibenta nalang ang lupa. Ayokong mambintang, pero sa nakikita ko, mga taong may koneksyon sa politiko ang nasa likod nito, mga nagbabalak gawing subdivision ang lugar. “Ma, ‘wag kayong pumayag. Kumikita pa naman ang sakahan, tsaka paano nalang ang mga magsasaka riyan sa atin kung ganon?” “Kaya nga, ayan din ang sabi ko sa Papa mo. Binabarat pa nga ngayon ang bigas at halos wala na kaming tubo para lang maging sapat sa mga magsasaka ang pasahod nila.” “Anong sabi ni Papa, Ma?” “Sabi niya kung patuloy na mababa, baka magtanggal tayo ng tao. Naaawa ako sa kanila, anak. Matagal na ang mga magsasaka sa’tin.” Nagapos ang tawag at mas lalo lang nasira ang araw ko dahil sa mga nalaman. Dulot ng inis ay nagawa kong mag-research tungkol sa korporasyon, tama nga ang hinala ko at mga kamag anak ng isang politiko ang may-ari ng mga subdivision malapit sa probinsya namin. Ngayong tumataas na ang demand, gusto nila ‘tong palawigin kahit pa ang kapalit ay kawalan ng agricultural space. Pinili kong lumabas kahit gabi para sa coffee shop magtrabaho. Buo ang loob kong sumulat ng article tungkol sa panggigipit sa mga magsasaka. Bitbit ang laptop, Ipad, at notebook ay naisipan kong lakarin nalang ang shop. Mula sa condo na tinutuluyan ko ay mga tatlong kanto siguro, gabi naman at hindi mainit kaya mas convenient maglakad. Isa pa, wala naman sigurong— “Hoy! ‘Yung bag ko!” Wala sa sariling hinabol ko ang walang hiyang humablot ng bag ko, naroon ang lahat ng dugo at pawis na inalay ko sa trabaho ko! “Snatcher!” Naiiyak kong sigaw. Talaga namang bihasa at mas mabilis ang lalaki, hindi na rin nagagawang harangin ng ibang dumaraan. Isang dipa pa ang itinakbo ko nang agad akong napahinto sa gulat. Ang lalaking humablot ng bag ko ay naabutan kong gumugulong bago tuluyang humandusay. Tuloy ang kabog ng dibdib ko dulot ng pinaghalong hingal at kaba. Nasagasaan ang lalaki sa kalsada, at tila walang bakas ng pagsisisi sa mukha ng nagmamaneho ng babain niya ang snatcher. Halos di ako nakahinga ng makilala kung sino ang driver ng mamahaling sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD