BELLE POV
Lahat nang representative kada department ay nandito sa event hall ng aming campus. Andito lahat nagtipon tipon para mag-practice nang kanyang kanyang pagkasunod sunod sa araw nang event. Todo alalay sa akin si James dahil kami ang magkaparehas at sabay na papasok sa entrance. Kita ko ang masamang tingin ni Casper kay James na tila nakakapaso. Hindi ko alam kong ano ang problema ni Casper at ganoon nalang ito makatingin sa amin ni James.
"Tingnan mo ang kaibigan mo Belle parang gusto na akong lunukin sa paraan nang kanyang pag-kakatitig." Wika ni James sa akin.
"Kanina ko pa yan napapansin Hindi ko naman alam kong anong problema niya."Wika ko kay James.
" Makiayon ka sa mga gagawin ko, at gagalitin ko yang kaibigan mo, papalabasin natin ang pinipigil na galit niyan na di niya mailabas."Saad ni James.
" Huh! anong ibigmongsabihin?"Tanong ko kay James.
" Relax kalang akong bahala magtiwala ka lang sakin."Muling wika ni James.
Tapos na ang pahinga na ibinigay samin nang aming instructor, ngayon balik na muli kami sa praktis. Itinuro sa amin ang isang production number kong saan ang aming kapareha ay kasama namin sasayaw. Alam ko sayawin ang kantang napili nang aming instructor kaya mabilis ko lamang ito nakuha. Ganoon din si James kaya sa tuwa namin ay nag apir kami, dahil alam namin maayos naman masasayaw ang pinagagawa sa amin.
Nagumpisa na ang tugtugin, sinasabayan namin ni James ang sayaw, tuwang tuwa kami,habang sabay kaming umiindak sa saliw nang musika.Pinagmasdan ko si Casper at at si Yana tulad namin ay maayos silang nakakasunod.
Tuwang tuwa ang instructor namin sa production na ginawa namin. Nakita ko si Yana na pinupunasan nang pawis si Casper. Nagsalubong ang mga mata namin Casper. Hindi ko kayang makipagtitigan sakanya nang matagal kaya ako na ang sumuko, kinausap ko nalang si James at tulad ko masaya din siya sa kinalabasan nang aming sayaw.
" Ang galing natin, pero magaling ka James." Wika ko kay James.
" Ikaw din naman magaling, balita ko may pasabog ka sa talent portion."Wika ni James.
" mmmmm, secret, ikaw nga diyan mukhang tataubin mo ang mga kalaban mo, dahil sa galing mong sumayaw." sagot ko kay James.
" okey, another one then dismissed na."sabi ng nagtuturo sa amin.
Binigay namin muli ni James ang lahat nang makakaya namin, para sa huling practiks masayang masaya kami na natapos din agad. Matapos ang amin praktis niyaya ako ni James na magmeryenda. Pinaunlakan ko siya, wala naman masama kong pagbigyan ko siya unang una magkaibigan naman kami.
Pagkarating namin sa isang fastfood chain nag-order agad si James nang madaming pagkain, burgers,fries,pasta at chicken.Sa sobrang dami namin pagod natuwa ako sa inorder niya dahil panigurado ubos sa aming dalawa to. Masaya kaming kumakain ni James nang may narinig kaming naguusap sa pagitan nang harang nang katabi namin.
"Casper, salamat at pinaunlakan mo ang pagyaya ko sayo kumain muna tayo." Wika ni Yana na dinig namin ni James kaya natahimik kami parehas.
"Wala yon, ikaw paba alam mo naman basta ikaw okey lang kahit saan." Wika naman ni Casper.
"Sana manalo tayo sa pageant no, at sana maayos ko magawa ung talent ko. Ikaw ba Casper ano talent gagawin mo?" Tanong ni Yana.
"Hmmm, kakanta ako haharanatin ko ang babaeng gusto ko, at aaminin ko na sakanya ang nararamdaman ko. I'm sure matutuwa sya sa gagawin ko. Dahil sisiguraduhin ko sa gabing iyon magiging akin siya. At hindi siya makakatanggi sa alok ko."Mahabang wika ni Casper.
Natahimik akong bigla sa pagkain, eto nanaman ang mga luha ko na ayaw mag-paawat sa pagpatak. Inabutan ako ni James nang panyo, kahit alam ni James kong ano ang sitwasyon namin, palagi padin siya nakasuporta sa akin. Kahit na alam ko na nasasaktan ko siya. Kailangan ko na talaga kalimutan kong ano man ang namumuong damdamin ko kay Casper dahil kapag pinagpatuloy ko pa to lalo ako malulubog at malulunod, na baka hindi ko na kayanin pang maka-ahon.
"Okey kalang Belle?" Tanong sa akin ni James.
Umiling ako sakanya tanda na hindi ako okey, pinabalot niya na lamang ang pagkain namin at hinatak niya ako palabas sa fastfood, dinala niya ako sa isang lugar kong saan tahimik at malaya akong umiyak na walang nakakakita sa akin.
"Bakit ba kasi yong puso ko ayaw tumigil kaka asam na magkakagusto siya sa akin, bakit ba kasi nakakaramdam ako nangsakit, kahit hindi naman dapat, ayoko nang ganitong pakiramdam feeling ko pinagtaksilan ako, kahit alam ko sa sarili ko na walang kami." Umiiyak na wika ko kay James.
" Sa buhay Kong sino Ang NAGMAMAHAL Sila yong madalas na umaasa, sila yong madalas masaktan, sila ang madalas maiwan. Pero ang totoong nagmamahal gaano man kahirap at kasakit handa kang maghintay, handa ka magsakripisyo at ibigay ang lahat para sa taong mahal mo. Masakit sa masakit totoo yan kasi tao kalang na nakakaramdam. Isang masarap na tagumpay naman ang mararamdaman mo kapag yong lahat nang sakripisyo ay may kapalit na tagumpay. Sa piling nang taong mahal mo. Gusto kita Belle pero kong ang makakapagpasaya sayo si Casper handa din kitang suportahan. Hindi dahil sa naawa ako sayo, dahil tulad mo kong ano yong nararamdaman mo kay Casper ganoon din ang nararamdaman ko sayo. Kaya susuportahan kita kahit ito ay masakit sa akin, ganoon naman ang nagmamahal hanadang magsakripisyo sa taong mahal nila. Ang pinagkaiba lang natin ako inamin ko sayo at sinabi mo kong ano lang ang lugar ko sa puso mo."Paliwanag ni James.
" Kong kaya ko lang umamin sakanya na mahal ko siya, pero takot ako na baka kapag ginawa ko yon at layuan niya ako."Wika ko kay James.
" It's a win win situation, aminin mo sakanya Belle baka tulad mo ay ganoon din siya sayo, baka tulad mo mahal kadin niya at takot lang din siya sumugal. Subukan mo walang masama at baka maging masaya ka sa huli. Pero kong hindi kayo parehas nang nararamdaman atleast sumubok ka at lumaban ka. Alam mo kong saan ang dapat mong lugar kapag umamin ka sakanya. Reason din ito para mapalaya mo nadin ang sarili mo sa pag asam sakanya kong sakaling ikaw lang ang nagmamahal sainyong dalawa."Mahabang paliwanag ni James.
Tumango ako sakanya at isang ngiti ang binigay ko sakanya.Tama si James kailangan kong sumugal, para malaman ko kong ano ba talaga ang turing sa akin na aking kababata na matagal ko nang iniibig. Para alam ko kong may papatunguhan ba ang nararamdaman ko o wala..
Mabuti na lamang andiyan si James na laging nagbibigay nang suporta at advice sa akin kaya malaking pasasalamat ko din sakanya.....