Chapter 2 - True Feelings -

1163 Words
"BELLE" "Belle kamusta ka? Balita sa buong campus ang nangyaring gulo sa canteen ah, hays sayang diko man lang nakita andoon pala si Papa Casper my man of my dreams. "Wika ng kaibigan kong si Trixie. " Buti nga wala ka, malamang kong nandoon ka ikaw ang pambala doon sa laki mo ba naman malamang matakot sayo yong kaaway ni Belle."Asar na wika ni Kate kay Trixie. " Pambasag kadin eh no,saka si Casper ang usapan dito. Alam mo naman na malaki ang crush ko doon,ewan ko ba dun bulag ata yon at di makita ang kagandahan kong taglay."Saad muli ni Trixie. " Hoy babaeng puro bilbil kong ako kay Casper di kita papatulan kahit ikaw nalang natitirang babae, magastos ka masyado, ang takaw takaw mo, lugi negosyo sayo."Ani ni Kate sabay tawa. " Tumigil na kayong dalawa mag-kapikunan kayo. Ang mabuti pa tulungan niyo ko sa preparation about sa Ms. Intramurals kailangan manalo ako don, sayang yon para sa department namin lalaban ako."Wika ko sakanila. " Balita namin ay si James ang kapareha mo at kakanta ata kayo sa talent niyo. Good choice maganda ang bose's niya, magandang ang blending nang mga boses niyo. Bukod dun gwapo pa si James. Baka ito na pagkakataon mo na mainlove sakanya at magka boyfriend ka naman." Mahabang wika ni Kate. "Hindi ko gusto si James gagawin lang namin yon para mapaganda ang kakalabasan nang Intramurals.Saka kaibigan lang kami, wag niyong bigyan nang malisya." Saad ko sakanila. "Teka nga pala balita ko yong nakaaway mo ay representative din sa Accounting department, Thea Go ang pangalan kapartner nito ang rumor boyfriend niya na sinapak ni Casper, Jericho Lee."Wika ni Trixie. " Talaga ba! Hay naku kayang kaya yan ni Belle wala naman binatbat yon baka puro kaartehan lang gawin nun sa stage."Wika naman ni Kate. " Maiba ako sabi ni Kuya sakin si Casper din daw representative nang Engineering department at yong kapareha daw niya yong bagong transferee."Saad ni Kate. "Huh! kasali si Cas, bakit hindi niya ata nabanggit sa akin sa bahay siya kagabi." wika ko kay Kate at Trixie. Ring! Ring! Ring! Bye! na mga Peepz mamaya nalang sa next subject. Nagpaalam na sa akin ang dalawa. Si Kate ay nasa Medical Department kumuha siya ng kursong Medisina katulad nang kanyang ina ay gusto niyang tumulad dito. Si Trixie Naman ay accounting student. Samantalang ako ay nasa Designing Department kinuha ko ay Fashion Designer mahilig kasi ako mag drawing at magdesign nang kong anu ano. Ang mga damit ko at sarili kong design at ako mismo ang nagtatahi nito,meron ako makina sa bahay at tela para kapag gusto ko magtahi at magdesign may magagawa ako. Libangan ko lang to na nauwe na sa hilig kaya tumuloy tuloy ko na. Ang lalim nang iniisip ko habang papunta ako sa building namin, nagtataka ako bakit hindi sinabi sakin ni Cas na sumali siya sa Mr. Intramurals. Nakita ko siya sa kabilang building may kausap siyang babae,marahil ito yong sinasabi n Kate na transferee maganda at sexy, matangos ang ilong at maputi. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad parang nawalan ako nang ganang pumasok. Dumiretso ako sa Rooftop mg building namin at doon nag moment magisa. Umiiyak ako nang walang dahilan, nasasaktan nang wala ding dahilan. Para lang akong sira. Matagal na akong may gusto sa bestfriend ko, simula pa nang tumuntong kami ng highschool. Ewan ko ba pinigilan ko naman kaso ang hirap pigilan nang nararamdaman ko para sakanya. Gwapo si Casper matangkad, maputi at may nangungusap na mga mata, bukod dun ang labi niyang mapupula na masarap hagkan. Ako lang ang may nararamdaman sakanya, kasi siya kapatid at kaibigan lang ang turing niya sa akin. Hindi man lang niya makita na kamahal mahal din ako, di lang pang kaibigan kundi isang babae na mamahalin. Nalulungkot ako tuwing nakikita ko siyang may kausap na iba, feeling ko kasi iiwan niya na ako pag nagka girlfriend na siya. Sakabilang banda ako lang naman nakakaalam nang nararamdaman ko, bakit kailangan ko siya sisihin ginusto ko ang masaktan. Pero ang sakit pala mag-mahal nang ikaw lang ang nagmamahal, nasasaktan ka nang Wala naman kayo. Habang nag eemote ako may panyong nakalahad sakin, nagulat ako may kasama pala ako dito. Hindi ko namalayan nakakahiya narinig pa ata yong pag-emote ko. "Here you can use may handkerchief di bagay sayo ang umiyak Belle. Wag mong iyakan @ng taong ayaw sayo, Sayang ang mga luha mo sa maganda mong mukha." Wika ni James. "Anong ginagawa mo dito James bakit andito ka."Ani ko kay James. "Nakita kasi kita kanina nakatanaw kay Mr. Felix, alam ko na may gusto ka sakanya, hindi ka nga pumasok sa subject natin. Paakyat ka kanina sa rooftop nang makita kita,kaya sinundan kita."Paliwanag ni James. " So you mean narinig mo lahat nang mga sinabi ko?"Tanong ko sakanya na nahihiya. " Yes lahat! as in lahat lahat, Hmmm bakit di mo subukan ibaling ang atensyon mo sa iba, para hindi kalang lagi sakanya nakatingin."Saad ni James sa akin. " Sana nga James ganoon lang kadali kaso, ilang beses ko ginawa ayaw naman nang puso ko."Tugon ko kay James. " Then! Use me Belle, alam mo na matagal na ako may gusto sayo, kong tanungin kita ngayon pwede ba akong manligaw sayo?"Tanong ni James sa akin. " Ehh! Hindi ko kaya gumamit ng tao para sa ganitong sitwasyon. Ayoko nang plano mo. Im sorry James."Sagot ko sakanya. " Subukan natin Belle kapag walang mangyari at siya padin ang mahal mo, ititigil natin, pero ang intensyon ko sayo ay malinis, matagal na kitang gusto at handa ako maghintay kong kelan mo ko sasagutin. Please pumayag kana na ligawan kita."Pagsusumamo sa akin ni James. Ngumiti at tumango ako sakanya tanda nang akin pagpayag, wala naman masama kong susubukan at sumubok ako baka nga puppy love lang ang nararamdaman ko kay Cas. Baka kapag nabaling ko ang atensyon ko sa iba ay maiba ang nararamdaman ko. "Yang ngiti mo ba at pagtango mo ay pumapayag kana na ligawan na kita?," Tanong ni James sa akin. " Oo nga pumapayag na ako ligawan mo, pero wag mo ko pilitin sa ilang bagay dahil alam mo susubukan ko maibaling sayo ang atensyon ko. Sana maunawaan mo ko James." Paliwanag ko sakanya. "Okey! no worries importante pumayag ka, pipilitin ko maibaling mo ang atensyon no sakin. Maraming salamat Bhelle hindi ko sissirain ang tiwala mo." Yuhoooooooooo sigaw ni James sa Rooftop. Whynne Belle Gomez Salamat sa chance na binigay mo."Sigaw ni James. Mabuti na lamang at nasa mataas kaming bahagi, alam ko na walang makakarinig sa baba pagnagkataon nakakahiya, namumula na nga ako sa pasigaw niya. Nakaaalalay siya sa akin pag baba namin sa Rooftop at dumiretso na kami sa susunod na klase namin. Hinatid pa ako ni James sa room ko. Natuwa naman ako sa ginawa niya kasi ingat na ingat siya sa bawat kilos na binibigay niya sa akin, matapos niya masiguro na nasa loob na ako ay umalis na siya...Nangingiti nalang ako sa ginawa niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD