"SAMANTHA!" Lumapit si Makoy sa dalaga. Hinawakan niya ito sa braso. "Hindi ka dapat narito. Baka may makakita sa 'yo. Alam mo naman na hindi tayo sigurado kung may espiya sa paligid, ‘di ba?" malamig na saad ni Makoy sa dalaga habang nakikiramdam sa paligid. Hinila niya ang babae sa gilid ng tahanan ni Torin. May mga namuong mga luha sa mata nito na ikinabigla niya. "Makoy, alam mo na gusto ko siya, ‘di ba? Gagawin ko ang lahat para sa kanya!" Naikuyom din niya ang kamao. "Pero alam mo rin na hindi mo siya dapat magustuhan, Sam! Kung anuman ang naganap sa inyo, aware ka dapat sa bagay na iyon!" Magkaibigan silang dalawa ng babae sa loob ng mahabang panahon. Naiinis lang siya na nagawa nitong sundan si Torin sa training para lang mapalapit lalo sa lalaki. Ngunit sa huli heto at umiiya

