RAMDAM ni Angela ang pangangatog ng asawang si Torin habang papalapit sa malaking tahanan ng mga Agassi. Tumalim ang mga mata niya habang pinakikiramdaman ito na sobrang natatakot. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Enzo at ng ina nito para katakutan ito ng kanyang asawa. Huminto siya saglit at saka hinarap si Torin. Tumingala pa siya para harapin ang mga mata nito dahil mas matangkad ito sa kanyang ng ilang pulgada. "Trust me that I will protect you against them." "Thank you, wife." Niyakap siya ni Torin. She felt his lips on her head. Bahagyang iniikot ni Angela ang paningin sa bungad ng mansyon. Kita niya ang magaganda at mabangong bulaklak ng mga sampaguita na nasa paligid. Napapaligiran din ang mansyon ng napakaraming puno na halatang maingat na inaalagaan ng hardinero. Puti

